Kilalanin natin ang Isang Titser na maganda na may alagang Ahas!



Ang pagiging isang titser ay isang marangal na trabaho o propesyon. Itinuturing na pangalawang magulang na ng mga estudyante ang kanilang mga guro dahil halos sa buong araw nila ay ginugugol sa iskwelahan. Lingid pa sa ating kaalaman, ang trabaho na ito ay hindi natatapos sa iskwelahan. Pinagpapatuloy pa ng mga guro ang kanilang mga gawain sa kanilang bahay.


May ilang mga tao na may mga nagugustuhang guro dahil sa angking galing o katalinuhan nila sa pagtuturo. Ang iba naman ay nabibighani dahil sa angking kagandahan o kagwapuhan ng kanilang guro. At ang mga hinahangaang guro ay naalala natin sa pagtanda.




Pero mayroong isang guro na talaga namang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa taglay na kagandahan. Kung ang mga ibang estudyante ay masaya kapag walang pasok, sa klase niya siguro kapag walang pasok ay malungkot sila.


Siya si Teacher Kheny Soliva Berco na nakatira sa Bacolod City sa Negros Occidental. Ang magandang binibini na ito ay nagiging tanyag ngayon sa social media dahil sa pinamamalas niyang kagandahan na hindi matatawaran. Dahil sa kanyang mga magandang mukha, mga matang kumikinang na parang bituin, at ganda ng pangangatawan maraming kalalakihan ang magsasabing “sana ay maging titser kita”.



Si Teacher Kheny Soliva Berco ay nakapag-tapos ng Bachelor of Science in Elementary Education, Major in Early Childhood Education sa University of St. La Salle sa Bacolod City. Kaya naman kung gusto mong maging estudyante niya kailangan mong magpabata ng 3-5 na taong gulang. Kasi siya ay nagtuturo ng preschool.


Pero para sa lahat ng gusto pa siyang makilala at makita ang kanyang mga larawan, ang kanyang social media account ay naka-public. Siya ay mayroong maraming likers at followers sa kanyang mga social media accounts. Hindi lamang siya maganda! Bagkus, siya ay isang babae punong-puno ng dedikasyon sa pagtuturo. Hindi matatawaran ang pagpapahalaga niya sa edukasyon.


Bukod sa pagtuturo, si Kheny ay mahilig din sa arts. Mahilig din siyang magpinta at kadalasan ay ginagamit niya ito sa kanyang pagtuturo sa klase. Naniniwala kasi siya na malaking bagay ang mga larawan para mas maintindihan ng kanyang mga estudyante ang kanyang pagtuturo.




At ang pinaka-kakaiba sa kanya ay ang kanyang alagang hayop. Ang magandang guro na ito ay may alagang ahas na ang pangalan ay Damian. Ito ang nagpapakita sa kanya na isa siyang mapagmahal sa mga hayop. Mayroon pa ngang iba na kina-iingitan si Damian. Dahil sa nga litratong sobrang sweet niya sa ahas.


Kung iisipin ng mga kalalakihan, nanaisin nyo pa bang maging kasintahan ang isang babaeng may alagang ahas? Saka kung nais mo namang ligawan si Teacher Kheny malamang alam mo na ang mga hilig niya. Kaso nga lang ingat ka lang baka pag niloko mo si Teacher Kheny, matuklaw ka ng ahas niyang si Damian.


Nakaka-tuwa lang isipin na sa kabila ng kanyang pagiging isang guro bilang preschool teacher, ay napapanatili niyang maganda ang kanyang itsura at katawan. Sana ay maging ihemplo ka sa ibang guro na matutunang mag-ayos upang maging presentable sa mga mag-aaral.




error: Content is protected !!