Pinagsabay-sabay ng dalagang ina na ito, ang pag-aaral at ang kaniyang pagtatrabaho.



Bawat isa sa atin ay mayroong kani-kaniyang pangarap sa buhay. Maaring ang ilan sa atin ay nangangarap makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho na talaga namang makakatulong sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit hindi lahat ng plano natin sa buhay ay magiging madali para sa atin. Maaaring magkaroon ng mga hadlang sa pagkamit ng ating mga pangarap ngunit patuloy at patuloy pa rin na tayo ay lalaban at pipiliting makamtan ang ating mga pangarap. Ang mga pagsubok na ating pagdaraanan sa ating paglalakbay ay tiyak na huhubog sa ating kinabukasan.


Isang inspirasyon sa Fatima Balaba sa maraming mga kabataan ngayon. Maaga siyang nabuntis at ito ay naging dahilan upang hindi niya agad makamit ang kaniyang pangarap sa buhay. Sa edad na 17-taong gulang ay isa na siyang ina ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Kung kaya naman ngayon ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagiging ina. Dahil siya ay isa nang ina, kinailangan niya rin na maghanap ng trabaho para kahit papano ay masuportahan ang kaniyang anak at ang kaniyang pag-aaral. Nagsisimula ang kaniyang araw ng 6:30 ng umaga at siya ay aalis na ng kanilang tahanan. Kadalasang tulog pa ang kaniyang anak sa kaniyang pag-alis ngunit minsan rin naman ay nakakapaglaan siya ng ilang oras para makasama ang anak. 1:30 ng hapon ang tapos niya sa kaniyang eskwela ngunit hindi sa kanilang bahay ang kaniyang deretso kundi sa kaniyang trabaho. Siya ay nagtatraho sa Jollibee bilang service crew mula alas-dos ng hapon hanggang 10:30 ng gabi na kadalasan rin namang nakakatulugan na ng kaniyang munting anghel ang kaniyang pagdating.




Dahil sa limitadong oras niya sa anak ay nalulungkot itong malaman na mas kilala pa niya ang ilang tao sa kaniyang paligid at hindi siya matawag o makabigkas lamang ng “Mommy”. Sa kabila nito ay mas nagiging matatag siya at ipinangako sa kaniyang sarili na siya ay magtatapos ng pag-aaral at makakahanap ng trabaho, magiging matagumpay at tiyak na maiinitindihan din ng kaniyang anak ang sakripisyong kaniyang ginagawa.




error: Content is protected !!