Ibinahagi ni Coco Martin ang kwento niya bago siya maging artista! Naging isang OFW pala siya at naging isang janitor dati

Isa sa mga matagumpay na artista ngayon ay si Coco Martin. Sino pa kaya ang hindi nakaka-kilala sa sikat na aktor na ito. Siya ang bida sa isa sa mga pinaka-matagal ng teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Dahil sa husay niya sa pagiging artista, marami na rin siyang napatunayan. Marami na rin siyang mga naging pelikula at talaga namang inaabangan ng mga kanyang taga-hanga.


Dahil sa kanyang pagiging tanyag na artista, biniyayaan na rin siya ng yaman at magandang buhay. Gayon pa man, kahit na mayaman na si Coco Martin, hindi pa rin siya nakakalimot tumulong sa nangangailangan. Pero alam niyo bang ang sikat na aktor na ito ay hindi mo aakalaing isa pa lang OFW dati? Siya ay nagtrabaho sa Canada bilang isang janitor. Dahil alam niya ang hirap ng pagiging isang OFW, nagbigay siya ng isang libreng show para sa mga OFWs sa Saudi Arabia. Sa libreng show ay ibinahagi niya ang kanyang istorya noong hindi pa siya artista.


Sa kanyang sinabi sa show, binanggit niya ang hirap ng labis na pagka-homesick niya sa kanyang pamilya at kaibigan. Sinabi rin niya na kahit na may pera siya para maka-inom pero wala naman siyang makainuman. Binanggit din niya ang hirap na pinagdaanan niya, katulad ng panghuli ng ibon at isda para lamang may makain. Siya din ay namumulot ng mga supot para maibenta at maging pera. Ito ay ginawa niya upang mai-padala niya sa kanyang lola sa Pinas.


Pero lahat ng paghihirap ay napalitan ng ginhawa noong siya ay sumabak na sa mundo ng showbiz. Nagsimula ang kanyang pagiging artista sa Indie Films. Dito nagumpisa at nagtuloy-tuloy ang kanyang pagka-tanyag. Kaya naman sa layunin makatulong sa mga tao, ang show din ni Coco Martin sa Saudi Arabia ay nakatulong sa ilang tao. Hindi lamang inspirasyon ang ipinamahagi niya. Tinulungan din niya ang nahihirapan na OFW sa Al Khobar na makauwi ng bansa upang makapiling ang pamilya ng pasko.


Napaka-buting tao ni Coco Martin, ikaw ang isang taong marunong lumingon sa pinanggalingan. Ang kabutihan na ginagawa mo ay siguradong maaalala ng iyong mga natulungan.



Reply