Kilalanin natin ang magandang babae na ito na hindi mo aakalain na ito ang itsura niya noong bata pa lamang siya



Isa sa mga nauuso ngayon na post sa Facebook ang “10 years challenge”. Sa pamamagitan ng mga post na ito ay napapamalas at napapakita natin sa ibang tao ang naging pagbabagong pisikal. Nakahiligan gawin ito ng karamihan dahil lubos nilang ikinatutuwa ang laki ng ipinagbago nila.




Marahil kung iisipin mabuti, sa pag-tungtong natin sa pagka-dalaga o pagka-binata, dito lumalabas ang angking kagandahan o kagwapuhan ng isang tao. Kaya naman ang mga edad ng kabataan, ito ang panahon kung saan ay nahihiligan lamang ay ang paglalaro at pagiging masaya.



Kumbaga, hindi pa naiisipan sa mga panahon na ito ang mag-ayos ng sarili. May mga iba na madalas tuksuhin ng kabataan dahil sa itsura. At minsan ay nagiging daan ito upang maging dedikado sa pagaayos ng isang lumalaking bata upang maging maayos ang kanyang itsura. Ito ang nagiging inspirasyon upang balang araw ay hangaan siya at hindi tuksuhin ng mga taong nakapaligid sa kanya.




Isang babae na nagngangalan na Aleksis Corbi ang lumilikha ngayon ng ingay sa social media. Ipinamalas ng dalagang ito ang naging pagbabago niya sa pamamagitan ng pag-kumpara ng dati niyang larawan at sa ngayong itsura niya. Ang totoong pangalan ni Aleksis Corbi ay Alexis C. Salita. Isa siyang Tourism Management na estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas. Isa rin sa mga pangarap niya ay maging isang flight attendant.


Noong kabataan niya ay natutukso siya ng kanyang mga kakilala. Pero tignan mo naman ang naging itsura niya ngayon. Talaga naman isang magandang dilag. Ayon pa sa kanya ay di siya gumagamit ng kahit anong pampaputi.

Ayon kay Aleksis na sinabi niya sa isang post:
“I never used any whitening supplements nor undergone any surgery!!! Thank you?



PS: Hindi na din ako nag lulumabas ng bahay nung high school kasi inaasar nkong negra,”


Sa pagbabago na nangyari kay Aleksis marami ang humanga sa kanya. Ang kanyang post ay umani ng maraming magagandang kumento, reaksyon, at shares. Sana ay maging ihemplo si Aleksis sa mga kabataan na kinakantsyawan ngayon. Lahat ay nagbabago, walang permanente sa mundo. Kaya naman ang piliin mong pagbabago ay ang ikabubuti para sayo.




error: Content is protected !!