Categories: Viral

Marami ang humanga sa babae na ito dahil hindi hadlang na siya ay mataba upang siya ay maging isang modelo!

Sinong nagsabi na mapapayat at seksi lamang ang pwedeng maging modelo? Isang malusog at matabang modelo ang nagpatunay na kahit hindi payat ang kaniyang katawan ay kaya niya pa ring makipagsabayan sa maraming mga seksing modelo ngayon. Siya ngayon ay umaani ng maraming papuri sa pagbabahagi ng positibo niyang pananaw patungkol sa hugis at hulma ng kaniyang katawan.


Siya ay nakilala bilang si Saowaluk Hirokajung Ping Anawong mula sa Korat, Thailand. Siya ay nakilala sa ilang mga blog sites dahil sa magandang pananaw at kaisipan niya patungkol sa mga kababaihang tulad niya na hindi naman kapayatan. Sa ating komunidad ngayon na tila ba dinidiktahan ng marami na dapat ay maging maganda, makinis, maputi, at payat nakakamangha pa rin na mayroong mga tao tulad niya na nagbibigay halaga pa rin sa pagiging natural at totoo sa sarili.


Tunay ngang ang ilang mga babaeng mataba ay nahuhusgahan na lamang basta basta ng maraming mga tao dahil lamang sa kanilang pisikal na anyo. Sa pisikal na anyo na lamang ba makikilala ang personalidad ng isang tao? Tila mas dapat tayong magbigay pansin sa kalooban at ugali ng isang tao, hindi lamang sa panlabas ng anyo ng isang tao.


Maraming mga tao ang nagiging matagumpay sa buhay kahit pa hindi sila maganda, hindi sila maputi o hindi makinis ang kanilang balat. Basta’t mayroong pangarap sa buhay, pagmamahal sa pamilya at pananalig sa Diyos, ang isang tao, anuman ang kaniyang pangarap sa buhay ay tiyak na kaniya itong makakamit anumang kulay ng kaniyang balat o hugis ng kaniyang katawan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago