Marami ang namangha sa magkasintahang ito matapos nilang manguna sa 2018 Criminology Board Exam!

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mabilis na nakakalimutan ang kanilang mga plano at pangarap sa buhay kapag nakakilala na ng bagong pag-ibig. Ngunit sa kasamaang palad ay humahantong ang ilan sa mga ito sa hindi inaasahang pagbubuntis na kalaunang nagtatapos din naman sa paghihiwalay ng magkasintahan o kaya naman ang ilan ay pinagsasabay ang trabaho, pag-aaral at pagiging ina. Kung kaya naman ito marahil ang rason sa maraming mga magulang ng kanilang labis na pagprotekta o kaya naman ay pagbabawal sa kanilang mga anak na pumasok sa maagang relasyon.


Kung kaya naman talagang namangha ang maraming mga netizen sa magkasintahang ito mula sa Davao City na nanguna sa nakalipas na 2018 Criminology Board Exams noong nakaraang Disyembre. Sina Philip Dominic Moreno Pendang at Cherryfe Marquita España ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Mindanao sa Davao City. Pagkatapos ng kanilang “graduation” ay magkasabay din silang pumasok sa parehong “review school”.


Bilang magnobyo at magnobya ay talaga namang marami silang mga nagagawang mga bagay nang magkasama. Iba’t-ibang mga hilig na pagkain o lugar, maging inspirasyon sa kanilang pag-aaral ay nakuha nila sa isa’t-isa. Magkasama at magkatuwang silang dalawa na nag-aral at nagtiyagang mapagtagumpayan ang unang hakbang sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. At lumabas na nga ang resulta ng kanilang pinagpagalan, silang dalawa nga ay napabilang sa mga indibidwal na nakakuha ng matataas na marka sa ginanap na Criminology Board Exams noong Disyembre. Pangatlo ang ranggo ni Philip at pang-pito naman sa mga nanguna si Cherryfe. Nagkamit naman ng 90.65% na grado si Philip samantalang 89.85% naman ang nakuhang grado ni Cherryfe. Sila nga ay buhay na patotoong hindi hadlang ang pag-iibigan o pagmamahalan ng dalawang tao upang makatapos ng kanilang mga pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. Inspirasyon nga silang tunay sa maraming mga kabataang Pilipino.



error: Content is protected !!