Anak, niregaluhan ang kaniyang ama ng regalong hindi nito inaasahan!



Ang pagmamahal ng magulang ay isa na yata sa pinaka-mapagpatawad at hindi makasariling pag-ibig na ating mararanasan sa ating mga buhay. Walang magulang ang magnanais na mapahamak o mapasama ang kanilang mga anak. Maraming sakripisyo ang nagawa, ginagawa, at magagawa pa ng mga magulang para lamang sa kanilang nga anak.


Kung kaya naman maraming mga anak ang nagbabalik din ng pasasalamat at pagmamahal sa kanilang mga magulang. Bagamat walang anumang halaga ang makapapantay sa pagmamahal at sakrispisyo ng mga magulang, masarap pa ring makita at masilayan ang ngiti sa mukha ng mga magulang na walang ibang hinahangaad kundi ang mabuting kahihinatnan ng kanilang mga anak.




Kamakailan lamang ay kumalat at naging usap-usapan sa social media ang pagbibigay ng bagong sasakyan ng isang anak sa kaniyang ama. Ibinahagi ng netizen na si Azie Haziyah noong nakaraang Disyembre 29 ang video na ngayon ay umabot na sa higit 1.2 milyong “views”, 7,300 “likes and reactions”, at 11,000 “shares” online. Ayon sa nasabing video, naguguluhan pa ang ama nang siya ay sabihan ng anak na lumabas. Laking gulat na lamang niya ng makita ang asul na sasakyang Perodua Bezza na nakahinto sa harap ng kanilang tahanan.


Agad namang binigay ng kaniyang anak ang susi ng sasakyan upang hindi na maguluhan pa ang kaniyang ama. Nang sabihan ng anak sa kaniyang ama na ang sasakyan na iyon ay binibigay niya sa kaniyang magulang, bigla na lamang itong naiyak at naging emosyonal. At dahil sa hindi pangkaraniwang tagpo na ito ay hindi na napigilan ng dalawa ang kanilang damdamin kung kaya naman sila ay nagyakap at magkasabay na umiyak. Bagamat may malungkot na nangyari sa kanilang pamilya ilang araw bago ang pagtatagpo na ito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ikatlong kapatid na lalaki. Ninais lamang ng anak na kahit papaano ay magkaroon ng ngiti sa mga labi ng kaniyang ama.


Posted by Azie Haziyah on Friday, December 28, 2018




error: Content is protected !!