Maniniwala ka bang mula sa recycled materials ay nakagawa ang lalaking ito ng barko at motorsiklo?!



Talento ba kamo? Sikat tayong mga Pinoy diyan! Hindi lamang sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte, pagtula o deklamasyon, sa larangan man ng beauty pageant, isports o teatro, paniguradong may Pilipinong namamayagpag diyan! Hindi lamang tayo mga talentado ngunit malikhain din at mapagmahal sa ating mga hayup, sa mga bagay sa ating kapaligiran at lalo na sa ating kalikasan.


Kamakailan lamang ay maraming mga netizen ang humanga sa lalaking ito matapos niyang makagawa ng mga kamangha-manghang bangka, barko, motorsiklo, at traysikel gamit lamang ang mga na-recycle na kahoy, plastik, metal at gum.




Ang mga ito ay ibinebenta at inilalako niya sa bangketa upang kahit papano ay pagkakakitaan niya ngunit matapos itong ibahagi ng kaniyang kaibigan sa social media ay talaga namang dumagsa ang mga nagnanais bumili ng kaniyang mga likha at ang kaniyang mga nauna nang gawa ay nagkaubusan na.


Patuloy pa ring dumarami ang mga taong nagnanais magpagawa at bumili sa kaniyang mga obra maestra. Ang kaniyang mga produkto ay mula sa General Santos City ngunit maging mga taga-Luzon ay nagnanais makabili ng kaniyang mga likha.



Ang halaga ng kaniyang mga obra ay nagsisimula sa P700 ($14.50) na motorsiklo, P900 ($18.70) naman ang traysikel. Samantalang ang barko naman ay nasa P1,000 o ($20.75) depende sa laki at disenyo nito. Talaga namang nakakamangha ang angking talento ng Pinoy na ito. Hindi natin akalain na mula sa mga gamit nang bagay ay makakalikha pang muli ng kamangha-mangha at kakaibang bagay na hindi mo basta basta mabibili sa ibang bansa.


Talaga nga namang iba ang dugong Pilipino, dugong malikhain, dugong talentado, dugong makabayan. Nawa ay makilala pa at maraming tumangkilik sa mga likha ng ating kababayang ito. Sa halip na tangkilikin natin ang mga gawa ng dayuhan, marahil ay panahon na upang bigyang pansin at pagpapahalaga ang likha ng kapwa natin Pilipino.






error: Content is protected !!