Pumukaw sa mga netizen ang magkapatid na ito sa lansangan na masayang pinagsasaluhan ang pagkaing bigay ng mga tao na nagdaraan



Habang kumakain sa isa sa mga sikat na fast food chain ang netizen na nagngangalang Geo Tolentino Ringor at ang kaniyang asawa ay nakapukaw sa kanilang pansin ang isang paslit na namamalimos upang may pambili siya ng pagkain. Sa halip na bigyan siya ng salapi, pinayuhan si Geo ng kaniyang asawa na bilhan na lamang ng pagkain ang kawawang bata.


Ngunit ng maibigay na nila sa bata ang pagkain ay dali dali itong tumakbo palayo sa kanila. Matapos nito ay kumain na rin ang mag-asawa. Pagkalipas ng ilang oras ay nakatapos na ang mag-asawa sa kanilang pagkain ngunit laking gulat na lamang nila nang makita ang bata na hindi na namamalimos sa lansangan kundi sinasaluhan niya at sinusubuan ng pagkain ang mas bata pang paslit na animo’y nakababatang kapatid nito. Namangha ang mag-asawa sa kanilang na kita. Kung marami sa mga magkakapatid ay nag-aaway o madalas na nagtatalo sa kanilang mga tahanan, ang magkapatid na ito ay masayang pinagsasaluhan ang kaunting pagkain at makikita sa mata ng nakatatandang paslit na masaya siyang pinapakain ang kaniyang munting kapatid. Dahil sa pagkamangha ni Geo ay ibinahagi niya ito sa social media upang maging inspirasyon din sa nakararami. Agad namang kumalat ang nasabing larawan na ngayon ay mayroon nang higit sa 94 libong “likes” at nasa 39 libong “shares” na.




Tunay ngang ito ay paalaala sa ating lahat na maging masaya sa kung anong mayroon tayo. Maaaring salat tayo ngayon sa ilang mga bagay ngunit darating din naman ang pagkakataon na tayo ay makakaahon, tayo ay tutulungan ng ating kapwa tao at higit sa lahat ay gagabayan at hindi tayo pababayaan ng ating Panginoong Diyos.Nawa ang dalawang bata na ito ay matulungan pa ng maraming mga tao at maging nang kinauukulan. Upang sila ay matulungang mas magkaroon ng maganda at maliwanag na kinabukasan.




error: Content is protected !!