Ibinahagi ng top scorer sa exam na mag-aaral na ito ang kaniyang notes at reviewer na talaga namang nagpamangha sa maraming mga netizen!



Marami sa atin ang nakaranas ng pagkabahala at pag-aalala lalo na kung paparating ang ating exam week o kaya naman ay nagkasabay-sabay ang mga deadline sa eskwelahan. Hindi mabilang na mga proyekto at mga takdang-aralin ay sasabayan pa ng mga pagsusulit at eksaminasyon! Talaga namang nakakakaba at nakaka-aligaga kung paano mo matatapos ang mga ito sa maikling panahon lamang.


Sino ba naman ang ayaw ng mataas na grado sa paaralan? O kaya naman ay perpektong iskor sa mga pagsusulit o eksaminasyon? Sadyang kay sarap sa pakiramdam na makakuha ng matataas na grado lalo na kung pinaghirapan mo ang pagsasaulo at pagrereview para sa mga test at exam.




Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang paraan ng pagrereview ng mag-aaral na ito na taga-Japan. Isa siya sa nakakuha ng mataas na grado sa college entrance exam. Dahil sa masusing pag-aaral at pag-intindi niya sa kaniyang libro na sinulatan pa nga niya ng mga notes, talaga namang napanganga ang maraming mga netizen nang makita ito.


Pagbukas pa lamang ng kaniyang aklat ay bubungad na sayo ang iba’t-ibang kulay ng highlighter na kadalasang ginagamit upang malagyan ng tanda ang mga importanteng detalye sa libro. Ang libro din niyang ito punong-puno ng mga notes at mga sulat-kamay niya. Tunay ngang hindi niya hinayaan na hindi siya makapasok sa pangarap niyang paaralan sa kolehiyo.



Inspirasyon siyang tunay sa napakaraming mga kabataang Pilipino na nagsusumikap din sa kanilang pag-aaral at nangangarap makamtan ang kanilang mga pangarap sa buhay. Nawa mas marami pang mga tao ang magkaroon ng inspirasyon sa kasipagan at katiyagaan ng mag-aaral na ito. Ngunit alam niyo bang hindi lamang siya matalino at masipag mag-aral dahil siya ay may maganda ring hitsura na talaga namang hinahangaan din ng marami!