Kilalanin ang anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao na si Arabella Davao!



Sa mga hindi nakakaalam, sina Ricky Davao at Jacki Lou Blanco ay mayroong magandang anak na nagngangalang Arabella Davao. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak sina Kenneth, Rikki Mae, at Arabella Davao. Si Arabella ang bunso sa magkakapatid.




Si Arabella ay kilala rin bilang Ara. Siya ay 19 na taong gulang na. Sa murang edad niya ay talaga namang kapansin-pansin ang kaniyang ganda na tila namana niya sa kaniyang mga magulang na mga kilala rin bilang batikang aktor at aktres ng kanilang henerasyon.


Maraming mga tao ang napagkakamalan siyang anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Ang iba naman ay napagkakamalan siyang si Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Makikita sa marami niyang mga larawan lalo na sa kaniyang social media account ang kagandahang namana niya sa kaniyang mga magulang. Dahil sa kakaiba niyang ganda ay maraming mga netizen ang nagtatanong kung susundan niya ang yapak ng kaniyang mga magulang sa industriya ng show business.



Kapansin-pansin din ang pagiging malapit niya sa kaniyang pamilya, kung kaya naman anuman ang larangan na nais niyang tahakin ay tiyak ang pagsuporta ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Hilig niya ang mga “adventurous” na bagay. Kadalasan din siyang nakikita kasama ang kaniyang pinsan na si Janine Gutierrez na apo ni “Asia’s Queen of Songs” Pilita Corales. Talaga namang kapansin-pansin din ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.


Hindi na nga mapigilan ng maraming mga netizen ang pagiging excited sa pagsabak ng anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na si Ara sa industriya ng show business na naging parte na rin ng kanilang buhay ay talaga namang minahal na rin nila.