Miracle Boy, Santino o Zaijian Jaranilla man, tiyak na magiging matagumpay siya sa industriya ng show business!



Naalala niyo pa ba ang batang pumukaw sa ating mga puso at damdamin? Ang ABS-CBN child wonder na si Zaijian Jaranilla ay nakilala rin bilang “Miracle Boy” o si Santino isang batang ulila na inampon ng mga pari na mayroong abilidad na makipag-ugnayan at makipag-usap ng direkta sa Diyos sa programang “May Bukas Pa” taong 2009.


2008 ng magsimula siya sa kaniyang karera sa industriya ng show business. Naging parte din siya ng kiddie comedy show na “Goin Bulilit” na pinapalabas sa Kapamilya network. Bukod pa rito ay gumanap din siya bilang batang karakter ng sa mga programang “I Love Betty La Fea at “Komiks Presents: Tiny Tony”.




Sinong mag-aakala na sampung taon na pala mula ng gumanap siya bilang ang munting si Santino na nagtuturo ng maraming magagandang asal para sa mga manunuod lalo na sa mga kabataan. Ang programa niyang ito ay ang naging simula upang mas makilala siya sa kaniyang larangan at mas mabigyan ng marami pang mga tropeyo at pagkilala. Ilan sa mga ito ay ang ASAP Pop Viewer’s Choice Awards, PMPC Star Awards for Television, 8th Gawad Tanglaw, at ang 41st GMMSF Box-Office Entertainment Awards.



Ayon sa ilang mga panayam sa batang aktor ay nais niyang makasubok pa ng iba’t-ibang mga karakter upang mas mapalawak pa ang kaniyang karanasan at kaalaman sa industriyang kaniyang ginagalawan. Ang labing-pitong taong gulang na batang aktor na ito ay tiyak na susunod sa yapak ni Jericho Rosales dahil bukod sa kisig at magandang hitsura nito ay mayroon din siyang angking galing sa pag-arte at pagmamahal sa napili niyang larangan.


 




error: Content is protected !!