Sila ang ilan sa mga Filipina Celebrities na may mga koleksyon ng magaganda at mamahaling alahas!



Sa pagsubaybay natin sa mga kilalang mga artista, karaniwan ay nakikita natin ang nagiging tagumpay nila. At karaniwan sa mga sinusubaybayan natin ay ang mga bagay na na-ipupundar nila para sa kanilang sarili katulad na lamang ng bahay o mansion, sasakyan, at mga business.

Pero mayroon din mga sikat na mga artista na ang hilig nila ay ang pangongolekta ng alahas. Nakikita din natin minsan ang mga alahas sa mga litrato nila. Tunay na nakaka-dagdag sa kanilang kagandahan ang mga suot nilang ito.



Karaniwan sa mga alahas na sinusuot ay mga mamahaling mga singsing, relo, kuwintas, bracelet, hikaw at siguradong nakaka-tulong sa pagkinang ng kanilang kagandahan. Pero minsan maiisip natin kung magkano ba ang mga alahas na ito. At tanging mga mayayamang tao lamang ang may kakayahan na makabili ng mga magagarbong mga alahas. Pinangarap ng maraming kababaihan ang ganitong klase ng koleksyon. Ang ilan sa mga babae ay nakakahiligan ang pangongolekta ng alahas dahil ito ang nagpapasaya sa kanila. Kaya naman kilalanin natin ang ilan sa mga kilalang personalidad na may mga koleksyon ng mamahaling alahas ayon sa GMA’s official website.

Annabelle Rama



Ang una sa listahan ang kilalang nanay ng mga Gutierrez.


Nakilala siya sa pangongolekta ng mga alahas. Noong taong 2018, ibinahagi niya ang kanyang pagkahilig sa alahas. Sabi pa niya, noong siya ay dalaga pa, siya ay bumibili pa ng mga pekeng alahas. At ngayon, dahil may pera na siyang pambili, ito na ang naging koleksyon niya para sa kanyang sarili


Ruffa Gutierrez


Isa din si Ruffa Gutierrez sa pagiging kolektor ng mga mamahaling alahas. Siguro ay namana niya ito sa kanyang ina na si Anabelle Rama na isa ring mahilig mangolekta ng alahas. Ilan sa mga koleksyon ni Ruffa ay binili noong siya ay napili bilang Miss World 1993 bilang second princess.



KC Concepcion


Ang kilalang anak nila Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC ay mahilig din mangolekta ng mamahaling alahas. Sa katunayan ay nag-launch siya ng kanyang koleksyon sa tawag na Avec Moi by Kristina noong Marso 2018. Sa kaganapang ito, marami ang dumalo na mga celebrities at mga kilalang tao. Bukod pa dito ay nagmana din siya ng mga alahas na galing sa kanyang lola na si Elaine Cuneta.

Sharon Cuneta


Siyempre magpapahuli ba ang nanay? Ang Megastar ay kilala din sa isa sa mga kolektor ng alahas. Madalas na makikita na nagsusuot si Sharon Cuneta ng mga mamahaling dyamante sa mga palabas at mga interview. Mayroon din siyang fire-proof na vaults o taguan ng kanyang mga alahas.



Heart Evangelista


Kilala din nating magaling sa pananamit ang fashionista na si Heart Evangelista. Bukod sa kanyang mga damit ay kilala din siya sa pangongolekta ng mga hiyas at dyamante. Upang mapatunayan, ipinakita pa ng aktres ang kanyang mga koleksyon at ilan dito ay piraso na nanggaling sa Cartier.

Gretchen Barretto


Ang magandang si Gretchen Barreto ay nakilala natin sa pagsuot ng mga mamahaling perlas. Ito ang kanyang naging hilig at koleksyon. Ayon pa sa kanya, nagsimula ang kanyang pagkahilig sa perlas noong nagkaroon siya ng anak na babae na si Dominique Cojuangco.

Chesca Garcia-Kramer


Isa sa may magagandang mukha sa mundo ng showbiz ay si Chesca Garcia-Kramer. Mas hinangaan pa natin siya dahil sa mga nakaka-giliw niyang tatlong anak. Dahil sa pag-papakita niya ng mga OOTD, napapansin na mas kumikinang pa ang kanyang kagandahan sa mga suot na mga alahas.

Kris Aquino and Jinkee Pacquiao


Ang huli sa listagan ay ang kilalang artista na si Kris Aquino at ang asawa ng pambansang kamao na si Jinkee Pacquiao. Totoong maimpluwensya ang dalawang tao na ito at may kakayahan na makabili ng mga mamahaling mga alahas dahil sa taglay na yaman. Mapapansin din natin ang mga alahas nila sa mga litratong makikita sa kanilang mga post ng OOTD.




error: Content is protected !!