Sila ang mga sikat na mga artistang sumali sa challenge na “#howharddidaginghityou”



Lahat ay nagbabago. Ayan ang isang bagay na hindi napipigilan. Lahat tayo ay tumatanda at hindi mapipigilan ito. Kaya sa ating pagtanda kasama na dito ang pagbabago sa pisikal na itsura. Nasa sa ating desisyon na lamang kung paano natin papangalagaan ang ating sarili. Ang ilang mga tao ay pinapanatili nila ang kanilang itsura kahit na gumastos pa sila. Pero mayroon din namang ilang tao sa mga natural na paraan ay nagagawa na nilang maging maayos ang kanilang itsura.

Totoong isang malaking bagay ang pagkakaroon ng presentableng itsura dahil ito ang nakakapag-bigay ng tiwala sa sarili. Ang pagkakaroon ng maganda o gwapong itsura din ang nagiging dahilan upang maging kaaya-aya sa mga nakakarami. Malaking bagay din ito sa mga artista. Dahil ito ang puhunan nila sa kanilang trabaho. Kaya naman kinakailangan nilang mapanatili ang taglay nilang magandang itsura upang maging kaaya-aya sa kanilang mga manunuod. Kaya naman upang maipamalas ng mga ibang artista ang kanilang pagbabago, sumabak ang iba sa isang nauuso ngayon. Ito ang ‘hashtag how hard did aging hit you challenge’. Sa paraang ito ay maipapakita nila ang kanilang naging pagbabago sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga litrato ng noon at ngayon. Dito ay makikita ang kaibahan dahil sa pagbabago.



Ito ang ilan sa mga artistang sumali sa challenge na ito:

K Brosas



Isa si K Brosas sa mga sikat na mga artistang magaling magpatawa. Kapag bumanat na ng mga salita si K, siguradong hahalakhak ka sa kakatawa. Hindi lamang ang pagpapatawa ang kaya niya, magaling din siyang kumanta. Bukod pa dito ay isa ring magaling na aktres si K. Sa kanyang post, ang kaliwa niyang litrato ay 18 ang edad at sa kanan naman ay ang kasalukuyan nyang itsura. Tunay na malaki ang pinagkaiba at gumanda siya. Dati raw ay inaasar pa siyang Agila o Benjie Paras. Sinabi niya rin na hindi siya palangiti noon. Pero ngayon, isa na siyang sikat na artista na kinagigiliwan ng maraming tao.

Angelu De Leon



Mas nakikilala natin si Angelu De Leon bilang isa sa mga bumubuo ng kilalang palabas dati na TGIS. Sa kanyang post, ang kaliwang larawan ay taong 2007 at ang nasa kanan naman ay taong kasalukuyan. Tila ba parang walang pinagbago ang kanyang magandang itsura.

Sunshine Cruz




Isa si Sunshine Cruz sa mga kilalang artista na napanatili ang kanilang magandang itsura at katawan. Hindi mo aakalain ang totoong edad niya at baka maisip mong dalaga pa siya. Pero hindi, mayroon na siyang tatlong anak. Sa kanyang post ang kaliwang litrato ay nasa taong 1994 at ang kanan na litrato naman ay taong 2018.

Ruffa Gutierrez


Ang isa sa mayroong mala-diyosang kagandahan ay si Ruffa Gutierrez. Sa kanyang post, ito ang kadalagahan ni Ruffa nang siya ay sumali sa Miss World at ang litrato ay taong 1993. At ang nasa kanang bahagi naman ay ang pinaka-latest.

Amy Perez




Ang isa sa mga aktres na si Amy Perez ay mas nakikilala ngayon sa kanyang kagalingan sa pag-host lalong lalo na sa kilalang noontime show na showtime. Ipinamalas ni Amy Perez ang pagkakaiba ng itsura niya noong taong 2009 at taong 2019.

Drew Arellano


Ibinahagi naman ni Drew Arellano ang litrato nilang mag asawa noong taong 2005 at litrato noong taong 2015. Sinabi niya rin sa kanyang post na hindi pa ganoon kaganda ang mga camera kaya mababa ang resolusyon kumpara sa ngayon. Sa kanilang mga litrato, ipinakita dito kung gaano katibay ang pagmamahalan nilang dalawa.




error: Content is protected !!