Isang kabayanan sa Spain ang gawa at napapalibutan ng bato! Tinawag itong Senitel de las Bodegas

Marami sa atin ay pinangarap makatira sa lugar na ligtas at maayos. Ang iba din ay gusto ang mga lugar kung saan ay malapit ang mga bilihan at iskwelahan. Mayroon ding iba na ninanais din makabili ng bahay sa mga subdivision o kaya naman ay condominium dahil may nangangalaga ng kapaligiran at may mga nagbabantay.


Nasa pamantayan din ng iba ang pagiwas sa mga lugar na bumabaha o kaya naman may landslide. Pero kahit ano pa man ang lugar na mapili, ang mahalaga ay isang pamilyang nagkakaisa at may pagmamahalan sa bawat isa. Pero alam niyo bang may isang lugar na mas pinili nilang manirahan sa ilalim ng mga bato? Tipo bang hindi sila natatakot sa mga batong nakapaligid. Pero bago natin husgahan, ating alamin kung bakit ninais nilang manirahan sa lugar na ito.


Sa may timog-bahagi ng Spain ay matatagpuan ang isang kabayanan na tinatawag nilang Setenil de las Bodegas. Ang salitang ito ay nangangahulugan na “sa ilalim ng bato”. Sa kasalukuyan ay pi
namamahayanan ito ng 3000 katao at nararami na rin ang mga turistang napupunta dito.


Ang mala-kuwebang nilagyan ng bahay ay isang magandang lugar para sa mga naninirahan dito. Ginagawa kasi ng mga bato ay tinatanggal ang init tuwing tag-araw at nililimitahan naman ang lamig kapag tag-lamig. May paniniwala din na may mga unang nanirahan na sa lugar na ito noong 25,000 na taong lumipas. Kaya naman kung pagmamasdan ang mga istraktura, talaga namang nakaka-mangha.


Kung pagkain naman ang paguusapan, hindi din magpapahuli ang lugar na ito. Nakilala din ang lugar dahil sa masasarap na sausage, chorizo, at karne ng baboy. Mayroon din silang mga pananim na gulay at prutas. Pero mas kilala sila sa pinaka sikat nilang Honey, Olive oil, jam at Andalucian Wine. Kilalang kilala din ang mga kainan at bar sa lugar na ito. Nagiging masaya ang lugar na ito kapag sumapit na ang Sabado at Linggo. Nagkakaroon kasi ng mga tindahan at kainan sa mga ilalim ng bato. At kinagigiliwan ng mga naninirahan at mga dayo. Kaya naman kung sakaling nais mong makapunta sa ganito kaganda at kakaibang lugar, dito ka na pumunta sa Setenil de las Bodegas.



error: Content is protected !!