Isang magandang paraan na mapigilan ang pagbuo ng polusyon sa tubig! Ito ay sa pamamagitan ng “trash traps”

Sa pagbabago ng mundo, sa pagunlad ng ating teknolohiya, sa pagkadiskubre ng maraming bagay, kasama na rin ang paglaganap ng polusyon. Ang polusyon ang minsan na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sakit ng tao. Dahil sa kapabayaan at walang disiplina, nagiging madumi ang ating kapaligiran. Totoo nga siguro ang kasabihan na “nasa huli ang pagsisisi”. Kaya naman habang naiisipan pa lang natin ang magiging epekto ng kapabayaan sa mga basura, mas mabuti ng solusyonan agad ito.


Sa simpleng pagtapon ng mga basura sa mga lalagyanan ay isang mahalagang panimula na. Kung didisiplinahin na kaagad natin ang sarili malamang ay mapipigilan na ang pagdami ng polusyon. At kung nais pang makatulong sa paligid, mag-isip ng paraan upang malinis ito.


Katulad na lamang ng isang bayan sa Australia. Ito ang Kwinana na naglagay ng mga drainage nets sa kanilang Henley Reserve. Ito ay ginawa nila noong Marso ng 2018 at lubos na nakakatulong sa paglinis ng tubig na dumadaloy. Ang mga drainage nets ay tinatawag ding “trash traps”. Pinipigilan ng mga harang na ito ang mga matitigas na mga basura upang ang malinis na tubig ay dumaloy papunta sa mga nature reserve. Ang mga trash traps ay inilagay sa mga malalaking drainage pipes na matatagpuan sa gitna ng kabahayan at sa kanilang kalikasan.


Tumatayang $20,000 ang naging halaga ng paggawa ng proyektong ito. Sinabi nila na mainam ito kaysa sa mano-manong kuhanin ang mga basura. Pagkatapos mailagay ang mga trash traps, sa apat na buwan na pagiipon ng basura, tumatayang 370kg ang nakuha ng mga trash traps. At ang mga nakokolektang mga basura ay inilalagay sa sorting facility kung saan ang mga green waste ay ginagawang mulch. Hindi lamang nalilinis ang tubig, nakakatulong pa sa kalikasan ang silbi nito.


Labis na ikinatuwa ng mga residente ng lugar ang naging proyekto kaya naman ang post sa facebook ng city officials ng lugar patungkol sa trash traps ay umani ng maraming likes, shares at magagandang komento. Kung lahat sana ng tao sa mundo ay naiisip gumawa ng paraan upang labanan ang polusyon malamang ay magiging masaya at malinis ang mundong tinitirahan natin.



Reply

error: Content is protected !!