Isang Photographer ang nagpakita ng kanyang mga magagandang litrato sa isang simpleng kasalan



Isang pangarap para sa mga mag-kasintahan ang maidaos ang kanilang kasal sa isang hindi makakalimutang pagdiriwang. Ang iba ay todo ang ginagastos upang masabing isang magandang pagdiriwang ito. Pero ano ganito ba talaga dapat ang gawin kung gusto mong makasal? Iyong tipo bang kailangan mong gumastos ng malaki upang masabi lang na masaya ito?




Lahat tayo ay may sariling pagiisip sa mga bagay na ito. Maaaring ang iba ay sumasang-ayon at ang iba naman ay hindi. Pero ang mahalaga sa pagdiriwang na ito ay magkaroon ng pagbabasbas mula sa batas o kaya naman sa basbas mula sa ating Panginoon. At ang pinaka-mahalaga ay naidaos ito ng nakangiti ka at punong-puno ng pagmamahal. Ang kasal ay ang pinaka-mahalagang araw sa mag-asawa. Ito kasi ang araw na naging isa na kayo. Ito din ang umpisa ng buhay pamilya.



Nakaka-bilib lang ang isang pagdiriwang ng kasal nila Gilbert at Fely Joy Ynclino. Sa kagustuhan nilang makasal, kahit na wala silang kakayahan na gumastos ng malaki, naitawid nila ang pagdiriwang na ito. Ang kasal na ito ang naging obra ng isang photographer na si Michael See Apeles. Ang mga kuha na litrato ni Michael ay nagpamalas ng kagandahan ng pagiging simple. Ibinahagi niya ang kasalan ng mag-asawang Ynclinco sa kanyang Facebook account. Tumatayang 43k reactions at 23k shares sa konting araw lamang.



Sinabi ni Michael na karaniwan lang sa mga makikitang mga litrato ng kasal ay ang mga magagarbo. Sa mga kasalan na ito ay madali nilang mapapaganda ang mga litrato nila dahil sa kagandahan ng paligid. Pero para sa kanya, naging isang hamon sa kanya ang pagkuha ng simpleng kasalan. Gayon pa man naipakita niya sa maraming tao na kaya niyang pagandahin at hangaan ang simpleng kasalan.


Ang mag-asawang Ynclino ay naninirahan sa Tumana, Marikina. Sila ay nagsasama na ng 12 na taon at may dalawang anak na. Sa kagustuhan nilang makasal, sa simpleng paraan ay dinaos nila ito. Isang kagandahan lang ang nangyari dahil ang kapatid ni Gilbert Ynclino ang assistant ng photographer. Dahil sa angking galing sa pagkuha ni Michael See Apeles, nagawa niyang maganda ang simpleng kasalan.



Source:RachFeed




error: Content is protected !!