Namili sa “thrift store” ng mga damit, nakakita ng salapi sa loob nito! Talaga nga namang sineswerte ang lalaking ito!



Sa maraming mga lugar tulad ng Estados Unidos ay tinatangkilik ang mga “thrift store”, ukay-ukay, palengke, o mismong patahian ng damit kung kaya naman ang mga damit dito ay murang mura mong mabibili. Marami ang tumatangkilik dito hindi lamang dahil sa ito ay praktikal kundi dahil sa mukha pang mga bago ang mga kagamitan dito. Hindi mo aakalaing “secondhand” o pinaglumaan ang mga ito.



Si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed ay 29 na taong gulang na nagnanais magtayo ng sarili niyang ukay-ukay sa kanilang bakuran sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia. Kung kaya naman siya ay namili ng dalawang malaking bag ng mga damit na nagkakahalaga ng RM 100 o ($24). Namimili na siya ng mga damit nitong mga nagdaang buwan para sa pagsisimula ng kaniyang munting negosyo. Talaga namang siya ay desidido at tutok na tutok sa kaniyang ninanais na negosyo.







Ngunit laking gulat na lamang niya ng makakita siya ng itim na pitaka sa loob ng mga damit na kaniyang pinamili na nagkakahalaga ng 450, 000 yen (RM 16, 800 o $ 4,150). Walang kahit anumang pagkakakilanlan sa nasabing pitaka, bukod sa impormasyon na maaari siyang naninirahan sa Japan dahil sa Yen ang laman ng pitaka na iyon. Dahil dito ay ipinalit na niya ito sa kanilang pera at ginamit niya ito para na rin sa kaniyang magiging negosyo. Bagamat maraming mga netizen ang nagsasabing hindi niya ito pera kung kaya naman wala siyang karapatang galawin ito, naniniwala pa rin ang nakararami na ito ay biyaya para sa kaniya.


Source:RachFeed






error: Content is protected !!