Ito ang Transit Lounge sa NAIA na makakatulong kung sakaling magaantay ka ng iyong Flight!



Sa kagustuhan na mapabilis ang biyahe papunta sa mga malalayong lugar, ang pagsakay sa eroplano ang pinaka-mabilis na paraan lalong lalo na sa pagpunta sa ibang bansa. Gayon pa man, sa ilang mga pagkakataon ay matagal ang pagaantay sa pagdating ng mga eroplano o delayed ang flight. Minsan ay nangangawit na sa mga upuan dahil maraming oras ang inaantay. Ang ilan naman sa nakararanas nito ay sobrang inip na ang nararamdaman na nagiging dahilan ng pagka-bagot o pagka-irita.



Pero kailangan din minsan intindihin na may mga bagay na nagpapa-delay sa mga flights. Marahil masama ang panahon o kaya naman may mga teknikal na dahilan.




Kaya naman ginawan na ng paraan ng isang terminal na ito upang masolusyunan ang pagaantay ng mga pasahero. Ito ay mabigyang ginhawa ang mga nagaantay na matagal na naka-upo. Dahil minsan nadedelay ang flights ng higit pa sa apat na oras. Ang terminal na ito ay ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 o NAIA Terminal 3. Ang terminal na ito ay may mga transit lounges na kung saan ay pwede kang magpahinga habang nagaantay ng iyong flight.




Marami din kasi sa mga pasahero ng eroplano na nagiging maaga sa kanilang departure time. Kaya naman nagiging pagsubok sakanila ang pagaantay kung madelay ang kanilang flight. Pero itong mga bagong transit lounge ang magiging dahilan upang hindi nila maramdaman ang sobrang pagaantay.





Ang mga kwarto sa transit lounge ay talaga namang nakaka-ginhawa at nakaka-relaks. Bukod pa dito ay may mga masasarap na pagkain kung ikaw ay magugutom. Ang transit lounge ay mayroon ding buffet kung ikaw ay nakaka-ramdam na ng gutom. Kung gusto mo pang maging malinis, pwede ka rin maligo dahil may mga showers din sa transit lounge. At isa pa sa pinaka maganda ay mayroon din silang massage at spa. Isa pa sa mga mainam na pantanggal inip ay ang libreng internet access sa pamamagitan ng wifi.

Rates are for 7.5 hours:



  • CAPSULE/SINGLE – Php1,000
  • TWIN TYPE (good for 2) – Php1,800
  • FAMILY ROOM (good for 4 people) – Php3,200

Kasama na sa bayad ang mga sumusunod:


  • Unlimited finger food buffet
  • Unlimited hot and cold drinks
  • Luggage storage area
  • Free WIFI connection
  • Free use of computer station
  • Shower kits – Bath towel, Yukata and shower amenities (shampoo, conditioner, soap, toothbrush and toothpaste)

Sa mga gusto namang magpamasahe:

  • 60 minutes – Php650
  • 45 minutes – Php550
  • 30 minutes – Php350



error: Content is protected !!