Ivana Alawi, ang magandang babae ni Eddie Garcia sa palabas na ‘Ang Probinsyano’



Marami sa ating mga pinoy ang naka-hiligang manuod ng mga teleserye. Ang pagsubaybay nila sa mga teleserye ay tunay na kinagigiliwan at nakakapag-bigay ng aliw sa kanila. Isa na dito ang palabas na FPJ’s Ang Probinsyano na tunay na isa sa pinaka-matagal na teleserye na mapapanuod pa rin hanggang ngayon. Kaya naman kapag may mga bagong pangyayari sa palabas na ito nagiging usap-usapan na din ng maraming tao.


Ang teleserye na Ang Probinsyano ay hango sa palabas ni Fernando Poe Jr. noong taong 1997. Pero noong taong 2015 ay muling binigyang buhay ang palabas na ito sa pamamagitan ng teleserye na pinagbibidahan ng sikat na sikat na si Coco Martin. Ang teleserye na ito ay tunay na minahal ng maraming tao kaya naman tumagal na ito hanggang ngayon.




Katulad na lamang ng kasintahan ni Eddie Garcia sa palabas na may nakaka-ayang kagandahan. Siya si Mariam Al-Alawi na mas kilala sa Ivana Alawi. Siya ay isang Fil-Moroccan at kapatid ng isang child star na si Mona Louise Rey. Nagsimula ang pagsabak niya sa showbiz ng sumali siya sa isang talent show contest sa GMA ang Starstruck. Kaso noong nawala din ang palabas na ito siya rin ay hindi na nakita.


Pero muli ulit natin siyang nakita bilang isang Kapamilya. Siya ay nagbalik sa showbiz sa palabas na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pinagbidahan nila Barbie Imperial at JM De Guzman. Pagtapos nito ay dito na siya mas nakilala ng napabilang siya sa mga artista ng Ang Probinsyano. Siya ang kasintahan ni Don Emilio na ang pangalan ay Amor. Kaya naman lubos na kina-inggitan ng maraming kalalakihan si Eddie Garcia dahil sa kagandahan ng dalaga.



Ibinunyag din ni Ivana Alawi na si Ellen Adarna ang kanyang inspirasyon. Dahil sa mga kwento ng buhay ni Ellen Adarna na nakakatulong sa mga taong gustong pumasok sa pag-aartista. Kaya sa mga nakakaramdam ng pagka-inggit kay Eddie Garcia, hanggang tingin na lang kayo kay Ivana Alawi. Isa ka talagang alamat Manoy!




error: Content is protected !!