Lulan ng kaniyang kabayo ay umorder ang lalaking ito sa isang drive-thru ng sikat na fast food chain!



Halos higit dalawang taon na ang nakakaraan ng naging usap-usapan ang lolo na nagdala ng kaniyang mga apo sa isang sikat na fast food chain habang sakay sakay sa kaniyang kalabaw. Kamakailan naman ay ikinatuwa ng maraming mga netizen ang lalaki na ito na umorder sa isang drive-thru habang nakasakay sa kaniyang kabayo. O di ba ang astig lang tingnan?
Ilang netizen naman ang nagbiro na ang lalaki raw na lulan ng kabayo ay isang mayaman na hacienderong nagliliwaliw lamang sa siyudad. Bagamat maraming mga tao ang natuwa sa ginawang ito ng lalaki ay marami din naman ang nagtaas ng kilay at nagsabing naghahanap lamang ng atensyon ang taong ito.


Ang larawan na ito ay ibinahagi sa social media ng isang netizen na nagngangalang Jennifer Rivera, isang kahera sa nasabing Jollibee outlet sa Valencia, Bukidnon. Sadyang kakaiba na nga ngayon ang pagbili ng pagkain sa fast food chain na ito. Kung dati rati ay kotse, motorsiklo, dyip, o iba pang uri ng mga sasakyan ang kadalasang nagda-drive-thru, ngayon maging ang mga kabayo na gamit din naman sa transportasyon ay ginagamit na rin.




Talaga nga namang maraming kasiya-siyang bagay sa ating kapaligiran na naghihintay lamang ng ating atensyon.Mga bagay na hindi naman natin madalas na nakikita sa pang-aaraw-araw nating buhay ngunit kahit papaano ay nagbibigay pa rin ng ngiti sa labi ng bawat taong makakakita. Ano pa kaya ang mga susunod na larawan na ating matutunghayan sa mga susunod na araw? Dalangin ng marami na sana pulos ngiti at “good vibes” na lamang ang maidulot ng mga balita at larawang ito sa social media.




error: Content is protected !!