“Most Beautiful Girl in the World” siya dati. “Most Beautiful Woman in the World” na siya ngayon!



Anim na taong gulang lamang si Thylane Blondeau nang siya ay nanalo bilang pinakamagandang batang babae sa buong mundo. Makalipas ang higit isang dekada, siya ay 17-taong gulang na modelo na at napanalunan naman niya ang titulong pinakamagandang babae sa buong mundo! At marami na ang hindi na nagulat sa balitang ito!


Sa edad na apat na taon ay nagmomodelo na siya. Rumarampa siya noon para kay Jean Paul Gaultier. Ang kaniyang angking kagandahan ay tinagurian ding “ethereal”dahil sa dami ng mga nakakapansin sa pagkakahawig niya kay Angelina Jolie. Marahil ay nakikita nila sa kaniya si Jolie dahil sa “pouty lips” nito.




Si Thylane ay nakapagtrabaho na sa ilan sa mga malalaking pangalan na tinitingala sa industriya ng fashion tulad na lamang ng Tommy Hilfiger, L’Oreal, at Dolce & Gabbana. Ngunit higit pa rito ay mayroon na din siyang sariling fashion brand.


Marami din ang nagulat nang malaman nila na siya ay anak ng French football player na si Patrick Blondeau at ng aktres at fashion designer na si Veronika Loubry. Gumawa siya ng sarili niyang pangalan sa industriya at hindi niya ginamit ang anumang kasikatan ng kaniyang mga magulang upang makilala sa nais niyang larangan.



At ngayong taon nga ay inilabas ng TC Candler ang “100 Most Beautiful Faces of the Year annual award list” na pinangunahan ni Thylane. Hindi ito ikinagulat ng kaniyang mga tagahanga dahil sa nakakabighani naman talaga ang kaniyang kagandahan. Sino ba namang hindi mapapatulala sa ganda ng kaniyang mga labi at sa nangungusap niyang mga mata? Tila ba nakakagayuma ang angkin niyang kagandahan.


Source:RachFeed




error: Content is protected !!