33 Mga Litrato ng Kalikasan noon na ikinumpara ngayon sa pamamagitan ng 10year challenge



Marami ang nahilig sa pag-post ng mga larawan nila dahil sa viral na #10YearChallenge. Sa pamamagitan kasi ng dalawang larawan makikita ang malaking pagbabago sa mga itsura. Maging ang ilan sa mga sikat na celebrities ay ginawa ang sikat na post na #10YearChallenge at totoo namang kinagiliwan ito ng marami. Pero karaniwan sa mga makikitang post sa hashtag na ito ay mga positibo. Kadalasan ay ang pagbabagong maganda ang ibinabahagi ng mga taong gumagawa nito. Pero mayroong isang bersyon ng hashtag na ito ang maaaring gumising sa ating diwa patungkol sa realidad ng buhay.

Kamakailan lamang ay may mga taong ginamit ang hashtag na ito upang ipakita ang pagbabago ng ating mundo. Mula sa mga NGO’s na makalikasan, mga aktibista, at mga regular na netizens, ang mga larawan na nagpapakita ng ipinagbago ng ating mundo sa pamamagitan ng 10YearChallenge. Dahil sa mga larawang ipapakita, maaaring ito ang makapag-pabago ng ating pananaw sa pagiingat ng ating inang kalikasan.Ating tignan ang mga larawan ng mundo noon at ngayon.



Ito ang ilan sa mga larawang nakolekta sa 10YearChallenge patungkol sa pagbabago ng mundo:

1. Ayon sa isang netizen na taga-Brazil sa handle na gisele, sampung taon na ang nakakalipas ng maisipan nilang pamilya ang proyekto na Agua Lumpa Project. Ang layunin ng proyektong ito ay paramihin ang mga puno upang mapalinis ang umaagos na tubig sa malapit na ilog. Taas noo niyang ipinagmamalaki ang tagumpay ng proyekto ng kanyang pamilya dahil nakapag tanim sila ng 40,000 na puno sa loob ng 10 taon.


2. Ang mga larawan naman na ito ay magpapakita ng pagbabago ng Arctic dahil sa climate change


3. Ang mga imahe naman na ito ang magpapakita ng pagkawala ng puno. Ang mga puno ay mahalaga upang makuha nila ang carbon na nakaka-tulong sa ating ecosystem.



4. Ang mga larawan naman na ito ay magpapakita ng pagbabago sa coral reef. Kung dati ay napaka-makulay ngayon ay nawala na ang ganda.

5. Ito ay larawan naman ng polar bear na malaki dati at nangayayat na ngayon.



6. Ito ang dalawang larawan ng Rhone Glacier noong 2008 na ikinumpara sa larawan ng taong 2018. Nawala na ang mga yelo.

7. Ang Rondonia na rehiyon sa Brazil ay dating mayroong 200,000 km2 ng rainforest pero ngayon ay nauubusan na ng puno. Ang mga larawan ay pagkukumpara ng taong 2006 sa 2018

8. Kung dati ay mapuno ang paligid ng tubig ngayon ay pinatungan na nila ng lupa upang matirahan.

9. Ipinakita sa larawang ito na hindi natutunaw ang plastik. Sana ay maging responsable tayo sa pagtatapon ng plastik sa paligid.

10. Ito ang Lake Chad. Sa kalakihan nito ay tinutulungan nito ang Chad, Nigeria, Niger, at Cameroob. Ang dating laki na 15,000 square miles ay naging 500 na lang. Grabe ang niliit!

11. Ang larawan naman ng ating mundo noong 2006 at taong 2016 ang magpapakita sa atin na malaki ang itinunaw na yelo.

12. Pinakita naman sa larawang ito ang malaking ipinagbago ng kagubatan noong 2009 at ngayong 2019 na kinalbo ang mga puno.

13. Isa sa malalamig na lugar sa Switzerland ang Trift Glacier na nagpakita ng pagbabago noong taong 2006 sa 2017.

14. Pinakita sa larawan na ito ang pagputol ng maraming puno.

15. Ipinakita naman sa larawan dito ang seal na nabalutan na ng plastik na basura.

16. Ang mga polar bear ay naka-tira sa malalamig at ma-yelong lugar paano pag-nawala na ang mga yelo?

17. Isang Hawaiian Tree Snail ang nabubuhay noong 2009 ngayon ay wala na.

18. Dahil sa climate change, mabilis na natutunaw ang yelo at tubig. Mula sa kapabayaan ng tao naaapektuhan na ang ating kapaligiran.

19. Ang pagbuo ng magagandang kalikasan ay gumugugol ng mahabang panahon, subalit kung sirain naman ng tao ay napaka-bilis.

20. Wala na! Talagang nauubos na ang ice cap. Larawan ng 1979 ice cap sa larawan ng 2007.

21. Larawan ng rainforest noong 2009 sa taong 2019.

22. Pagmasdan ang malaking pinagbago ng Mendenhall Glacier sa Alaska. Dati may yelo, ngayon konti na lang.

23. Ipinakita sa larawan na parang patay na ang mga coral reefs ngayon kumpara noong dati.

24. Larawan naman noong 2009 sa tabing dagat ay larawan ng 2019 na may mga duming nakalagay sa dalampasigan.

25. Ang dating mataas na bundok ng yelo noong 2006, sa loob lng ng tatlong taon ang laki ng niliit nito.

26. Malinis na tubig dati, ngayon ay kulay putik na ang tubig.

27. Litrato noong 1913 kinumpara sa pinagbago sa taong 2012.

28. Isa ulit larawan ng pagputol ng puno.

29. Dahil sa polusyon ng tao, nasisira ang kagandahan ng ating karagatan.

30. Ang larawan na mula sa NASA/GISS na magpapakita kung gaano na kainit sa mundo natin.

31. Ang maganda at malinis na tubig, ngayon ay kulay putik.

32. Ang larawang itinapon mo sa dagat, babalik din sayo ang lahat!

33. Isa ulit larawan na magpapakita ng pagkaubos ng mga yelo sa mga malalamig na lugar.




error: Content is protected !!