Lalaking walang kamay, hinahangaan ng marami dahil sa husay niyang gumawa ng mga laruan!



Marami ang nagsasabing bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang layunin sa buhay. Ngunit sa isang tao na walang mga kamay, marahil ay hindi ito ang nasa kaniyang isipan. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang Pinoy na lalaking walang mga kamay na bagamat mayroong kapansanan ay hindi napagod at nawalan ng pag-asa na patuloy na lumaban sa buhay at abutin ang kaniyang mga pangarap.


Isang Denniz Futalan ang nagbahagi ng mga larawan ng lalaking ito mula sa Dumaguete City na talaga namang napakahusay sa paglikha ng mga laruan mula sa mga “recycled” na bahay. Bagamat wala na siyang mga kamay buhat ng siya ay isinilang, hindi maikakaila ang galing at husay niya sa paggawa ng mga “micro toy cars”.




Ang mga laruan na ito ay talaga namang pumulaw sa atensyon ng maraming netizen. Napakapulido at napakadetalyado ng mga laruang ito na hindi mo aakalaing gawa ng isang tao na mayroong kapansanan.


Ayon din naman kay Futalan, ang lalaki na ito ay natutong lumikha ng ganitong mga laruan sa may-ari ng digital electronic service shop sa kanilang lugar. Ang halaga ng isang munting traysikel na kaniyang nilikha ay nasa $26 habang nasa $40 naman ang mas malaki at mas detalyadong mga laruan.





Hindi lamang siya mahusay gumawa ng mga kahanga-hangang laruan na mga ito. Dahil maniniwala ba kayo na kaya din niyang mag-“customize” ng mga disenyo ayon sa kagustuhan ng kaniyang mga kostumer.




Kaya naman kung nais niyo rin na magpagawa ng mga mumunti at kahanga-hangang mga laruan na ito, maaari kayong pumunta sa kanyang art workshop sa ikalawang palapag ng Robinsons Place Dumaguete.



Tunay nga na hindi hadlang ang anumang kakulangan o kapansanan upang makamit ang iyong mga pangarap sa buhay. Dahil kung ikaw ay may sipag, tiyaga, determinasyon, at pananampalataya sa Diyos tiyak na hindi ka maliligaw ng landas, bagkus ay tatahakin mo ang landas na inihanda ng Panginoon para lamang sa iyo.






error: Content is protected !!