Isang nobya ang nagregalo ng mga parte ng motor sa kaniyang kasintahan, umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizen!



Isang lalaki ang nakatanggap ng regalo mula sa kaniyang nobya na talaga namang ikinagalak ng binata dahil makukumpleto na rin ang nais niyang gawin sa kaniyang motor. Ibinahagi ni Charisse Calayag kung paano siya gumawa ng paraan at humingi ng tulong sa mga kaibigan ng kaniyang nobyo na si Junior Amurao upang mapaghandaan niya ang kakaiba niyang regalo sa kaniyang minamahal.


Bagamat maraming mga asawa at ibang mga nobya na hindi nanaisin o gugustuhin ang ganitong uri ng hilig ng kanilang nobyo o mga asawa, makikitang hindi nagdalawang isip ang nobya na suportahan ang kaniyang sinisinta sa nais nitong gawin sa kaniyang motorsiklo.




Ayon din naman sa nobya, hindi ito ang unang pagkakataon na sinuportahan niya ang nais ng kaniyang kasintahan. Dahil noon pa man ay binibigyan na niya ng pera ang kaniyang nobyo upang makabili ng ibang mga parte para sa kaniyang binubuong motorsiklo. Ngunit paglilinaw niya na ito ang unang pagkakataon na siya ay bumili mismo ng mga parte ng motorsiklo para sa nobyo.


Upang makumpleto ang sorpresang kaniyang inihanda, sinigurado niya na matanong at makonsulta ang kaibigan ng kaniyang nobyo upang makuha niya ang mga parte ng motorsiklo na nais ng kaniyang nobyo na kukumpleto sa kaniyang motorsiklo. Ibinalot na rin niya ito sa malaking kahon.



Nang ito ay matanggap na ni Junior, talaga namang walang mapaglagyan ang kaniyang kasiyahan at kagalakan. Magkabilang tenga ang abot ng kaniyang mga ngiti. Bagamat mayroong mga pagsubok na hindi maiiwasang pagdaanan ng magkasintahang ito, patuloy at patuloy pa rin nilang iniintindi, inuunawa at minamahal ang isa’t-isa. Marami mang mga negatibong komento patungkol magarbong regalo ng nobya sa kaniyang nobyo hindi naman ito alintana ng nobya lalo na’t mayroon naman siyang kakayanan na regaluhan ang kaniyang mahal dahil sa mayroon naman siyang trabaho.




error: Content is protected !!