Categories: Viral

Ito ang yamang taglay ni Dra Vicky Belo

Nakilala natin si Dra. Vicky Belo bilang isa sa mga nilalapitan ng mga sikat aritsta at mga kilalang personlidad upang magpa-ganda o magpa-retoke. Dahil isa sa pinaka-sikat na dermatologist si Dra. Belo naging dahilan ito upang magkaroon siya ng magandang buhay. Ang sikat na si Dra. Vicky ay kinasal sa isang cosmetic surgeon na si Hayden Kho noong Setyembre 2, 2017 sa isang simbahan sa Paris. Masasabing napaka-enggrande ng kasalan at naging usap-usapan ng karamihan.


Bilang isang kilalang personalidad sa bansa, hindi na rin matatawaran ang taglay niyang yaman. Si Dra. Vicky ang founder ng health and beauty enterprise at kung tatanungin mo kung magkano kinikita nito, tumatayang higit billion pesos ang kinikita sa bawat taon. Ito ay mayroong tatlong kumpanya ang Intelligent Beauty Skin Solutions, Intelligent Skin Care Inc, at ang kilalang Belo Medical Group o BMG. Mula sa latest na filing sa Security and Exchange Commision o SEC, Umabot ng 1.55 Billion Pesos ang kinikita ng tatlong kumpanya. Kung pagsasamahin ang net income noong 2015, ang kabuuhan ay 55.61 Million Pesos.


Ito ang tatlong kumpanya ni Dra Vicky Belo:


Belo Medical Group (1999)
Ang kumpanya na ito ang kilala na sa Pilipinas. Isang cosmetic surgery at aesthetic dermatology ang kumpanya na ito na malaki na rin ang kinikita. Malaki ang itinaas din ng kita nito simula noong 2004 hanggang 2015. Halagang 4.38 Million Pesos ay naging 109.35 Million Pesos.

Intelligent Skin Care Inc. (2006)
Sa kumpanyang ito ay ginagawa ang mga produkto na pampaganda ng Belo Essentials Brand. Ang tumutok sa kumpanyang ito ay ang anak niyang si Cristina Alexandra Henares. Si Cristina din ang may hawak ng 50 porsyento ng shares ng kumpanya.

Intelligent Beauty Skin Solutions (2009)


Ang kumpanyang ito ang pinaka-malalas kumita sa tatlo. Umabot ng 82.2 Million Pesos ang kinita noong taong 2014. Bumaba man ang kita ng 26.49 Million ng mga sumunod na taon, 423 na porsyento pa rin ang tinaas ng net income kumapra sa unang taon na pagbukas nito

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago