Kilalanin ang gumanap bilang si Maria Flordeluna noon, dalaga na pala siya ngayon!



Madalas ba kayo manuod ng telebisyon? Siguradong alam ninyo ang palabas sa Kapamilya network na Goin’ Bulilit. Maraming mga sikat na artista ngayon ang nagsimula sa kiddie comedy show na ito. Ilan lamang sa mga ito ay sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo, Jane Oineza at marami pang iba.


Naging parte din naman nito si Eliza Pineda o kilala rin bilang si Maria Eliza Pineda Bautista sa tunay na buhay. Siya ay nakilala rin dahil sa kaniyang pagganap sa karakter na si Maria Flordeluna noong 2007, 2008 naman ng naging parte siya ng “Kung Fu Kids”, at taong 2011 naman ng mapabilang siya sa palabas na “Angelito: Batang Ama”.




Tulad din ng maraming mga batang artista siya ay ganap nang dalaga sa edad na 22 taong gulang. Kitang-kita sa kaniyang mga Instagram post ang laki ng pagbabago sa kaniyang pisikal na pangangatawan kumpara noon na siya ay isa pang child star. Ngunit ang pagiging inosente at mala-anghel niyang mukha ay talaga namang nananatili.


Ngunit sa kabila ng kaniyang imahe mula noong siya ay bata pa, ibinunyag niyang ninanais niyang maging parte at mag-pose para sa isang Men’s magazine. Agad naman itong sinuportahan ng kaniyang ina na simula pa noon ay walang sawa na ang suporta sa kaniya.



Hindi man akalain ng marami na nais niyang makasubok sa ibang parte ng industriya ng show business, marami pa din naman ang naniniwalang makakayanan niya ito dahil siya ay may potensyal at nasa tamang edad naman na.


Noong 2017 naman ay usap-usapan din ang paglipat niya sa Kapuso network para sa kaniyang karera sa show business. Hindi na makapaghintay ang kaniyang mga taga-hanga na masaksihan at makitang muli si Eliza sa telebisyon at sa mga sinehan.





error: Content is protected !!