Makatotohanang mga Kastilyo na parang hango sa mga Fairy Tales! Ating makikita sa ibat ibang parte ng mundo!



Noong bata tayo, lagi tayong nakakarinig ng mga kwento patungkol sa mga Hari at Reyna na nakatira sa mga magagandang palasyo. Minsan ay pinapangarap natin na sana ay tayo din ay makaranas na tumira sa mga palasyo na ito. Ngunit ang mga ganitong kwento ay pawang likha lamang sa mga imahinasyon ng mga tao. Pero alam niyo bang may mga Palasyo o Kastilyo na talagang parang hango sa mga kwentong napakinggan natin noon? Ating tignan ang mga palasyo na makikita sa ibat ibang parte ng mundo. Alamin din natin ang ilan sa mga istorya kung bakit binuo ang mga kastilyong ito. Malalaman din natin kung gaano na katagal ang mga historical na mga lugar at kung saan ito matatagpuan.

Alcazar of Segovia




Ang Alcazar of Segovia ay matatagpuan sa Spain. Ang kastilyong iyo ay ginawa para sana maging Arab fort. Pero naging isang Royal Palace, police station, Royal Artillery College, at military academy ang magandang kastilyong ito.

Bran Castle



Ang Bran ay makikita sa Romania. Karaniwan ay tinatawag itong “Dracula’s Castle” kahit na hindi naman talaga tumira dito si Vlad Tepes. Si Vlad Tepes ay isang tauhan sa nobela ng bampira ni Bram Stoker’s.

Burg Eltz



Ang Burg Eltz naman ay makikita sa Germany. Isang medieval castle ito na makikita sa taas ng ilog Moselle sa gitna ng Koblenz at Trier. Ang nagmamay-ari ng palasyong ito ay ang pamilya ng Eltz na tinirahan noong 12th century.

Chateau du Haut Koenigsbourg




Ang chateau ay matatagpuan sa France. Makikita ang palayso na ito sa taas ng Alsatian plain sa Bundok ng Vosges. Noong Middle Ages ginagamit ito, kaso sinunog ito ng mga sundalo ng mga Swedish kaya naman hindi na ulit ginamit ang lugar na ito.

Conwy Castle


Ang Conwy Castle ay matatagpuan sa France. Ito ay ginawa sa pagitan ng mga taong 1283 at 1289 noong si King Edward I ang namumuno. Malaki ang ginastos upang mapatayo ang kastilyo na ito.

Matsumoto Castle




Hindi rin magpapahuli ang Japan. Ito ang isa sa mga sikat na kastiyo sa bansang Japan. Ang pang depensa nito ay hindi matatawaran dahil sa mga magkakadikit na mga pader, moats at mga gatehouses.

Neuschwanstein


Ang Neuschwanstein ay isang 19th-century Romanesque Revival na palasyo. Ito ay matatagpuan sa Germany sa isang mataas na Hill sa itaas ng mga village ng Hohenschwangau malapit sa Füssen na southwest ng Bavaria. Ginawa ang kastilyong ito bilang parangal kay Richard Wagner.

Warwick Castle


Ang malaking kastilyo na ito ay matatagpuan sa Germany. Si William the Conqueror ang nagpagawa nito noong taong 1068. Simula noon ay nagkaroon na ng maraming pagbabago katulad ng pagdagdag ng mga tore at pagbago ng mga itsura ng mga natitirahang buildings. Isa ito sa top 10 sa mga listahan ng mga pinaka historic na bahay at monumento sa lugar.

Chateau de Chambord


Ang Chateau ay makikita sa France. Ito ay pinagawa ni King Francois I noong 16th century

Le Mont Saint Michael


Ang Le Mont Saint Michael ay ginawa upang maging isang simbahan dahil sa hiling ng Bishop Avranches noong Oktubre 16th, 709. Ang magandang lugar na ito ay matatagpuan sa France. Noong 11th, 12th, at 13th centuries, ang mga gusali ng monasteryo ay binuo sa mga existing chapel. Ngunit noong French Revolution nagsilbing kulungan ang mga abbey.

Chateau de Vincennes


Matatagpuan naman ang Chateau de Vincennes sa France. Naka-pwesto ang malaking kastilyo na ito sa labas ng Paris. Ito ay nabuo sa gitna ng mga taong 1340 at 1410 ni Louis VII at ang dahilan ay para maging hunting lodge. Karamihan sa Kastilyo ay nasira na. Noong inalisan na ito ng Royal Family naging isang Factory ito ng Vincennes porcelain.




error: Content is protected !!