Ito pala ang sikreto ng 55 taong gulang na si Lola Anita sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan!

Isa ka rin ba sa mga taong namamangha sa mga personalidad na sa kabila ng kanilang edad o propesyon ay nagagawa pa ring maalagaan ang kanilang sariling pangangatawan. Malaking usapin lalo na sa mga kababaihan ang pigura ng katawan, ang kinis at kulay ng balat, at maging ang pinakamaliit na detalye ng kanilang panlabas na kaanyuan. Marahil ay ganoon talaga ang mga kababaihan, bukod sa metikulosang pag-aalaga sa katawan ay malaki din ang pagpapahalaga sa kinis at kulay ng balat.

Kung kaya naman hindi maiiwasan ng nakararami na mamangha sa tuwing makakita ng mga tao lalo na ng mga kababaihang nagawang alagaan ang kanilang ganda at katawan sa kabila ng pagiging ina o kaya naman ay sa pagiging abala sa maraming bagay.


Nagdala ng matinding ingay sa social media ang isang 55-taong gulang na tinatawag na Lola Anita dahil sa hindi kapani-paniwalang pisikal na anyo nito sa kabila ng kaniyang edad. Marami ang nagsasabi na siya ay tila isang dalaga ayon na rin sa kaniyang hitsura at pangangatawan. Si lola Anita ay isang Thai na kilala rin sa pangalan na Sopit Soonthorntanasatit.


Talaga namang kamangha-mangha ang pangangatawan ni Lola Anita. Ito ay dahil sa kaniyang malusog na pamumuhay. Mayroon din siyang partikular na paraan ng pag-aalaga sa kaniyang kutis at katawan. Mayroon siyang “skin spa regimen” upang mapanatiling malambot at makinis ang kaniyang balat. Bukod sa magandang pangangatawanan nito ay palagi din siyang nakangiti at makikitang puno ng kompiyensa sa kaniyang sarili.


Pinatotohanan din naman ng kaniyang anak ang aral na makukuha ng marami sa kaniyang ina, basta mahalin mo lamang ang iyong sarili at tiyak na araw-araw kang magiging maganda.



Reply

error: Content is protected !!