Kilalanin ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, na talaga namang pumukaw sa puso at atensyon ng maraming netizen.



Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Angelina Cruz? Minsan na siyang naimbitahan sa programa ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” kasama sina Andre Yllana, Iñigo Pascual at Leila Alcasid. Talaga namang marami ang namagha sa angkin niyang kagandahan.


Si Angelina Cruz ay ang panganay na anak ng aktres na si Sunshine Cruz sa dating asawa nitong si Cesar Montano na isa ring aktor. Siya ay 16 na taong gulang na at sa murang edad niya ay may mangilan-ngilan na siyang mga nagawang programa at pelikula sa industriya ng show business.




Taong 2016 ng mapili siya bilang brand model ng “Careline” dahil sa maganda nitong mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala sa publiko si Angelina bilang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Noong taon rin na yon nang siya ay kinapanayam ng GMA 7 upang mas makilala siya ng husto.



Dahil sa siya ay nag-aaral pa lamang ng hasykul ng mga panahon na iyon ay ibinahagi niya ang kaniyang buhay estudyante at ang pinakapaborito niyang asignatura na Math at Art. Ayon din sa dalaga, siya ay ipinanganak ng may talento na gawing likha ng sining ang isang simpleng tela. Ngunit hindi lang pala yun ang talento ng dalaga dahil siya ay mahusay ding kumanta at madalas itong makikita sa kaniyang social media account.


Noong nakaraang taon naman ay gumawa sila ni Iñigo Pascual ng isang “single” na talaga namang pumatok sa mga kabataang katulad nila. Ngunit kasabay din ng mga papuri sa kaniya ay ang ilang panghuhusga ng mga netizen na mas pinipili niyang mag-Ingles kaysa magsalita ng Tagalog noong siya ay naging bisita sa “Gandang Gabi Vice”. Agad naman siyang ipinagtanggol ng kaniyang ina ng sabihin nito na inuumpisahan na ng anak niyang matututo ng Tagalog.





error: Content is protected !!