Marami ang namangha sa malaking pagkakamukha ni Yasmine Vargas kay Marian Rivera



Sa mundo ng show business, hindi maipagkakailang maraming laganap na magaganda at kaakit-akit na mga mukha. Sa katunayan, mayroon talagang mga artistang sobrang magkakamukha. Ayon nga sa kasabihan na ““Birds of the same feather flock together”, kadalasang mga artistang palaging magkakasama ang napagkakamalang magkakakambal.



Karamihan naman sa mga artistang ito ay napagkakamalan pang magkakadugo o kaya naman ay magkakakambal. Ilan marahil sa mga halimbawa nito ay ang Kapuso actress na si Marian Rivera at ang asawa ng aktor at pulitiko na si Alfred Vargas.



Ang dalawa ay maaaring magkamukha ngunit sila ay nakilala hindi lamang sa angkin nilang kagandahan kundi dahil na rin sa kanilang pagmamahal at pagkalinga sa kanilang pamilya. Si Marian Rivera ay isang sikat na aktres na nakilala sa iba-t-ibang pagganap niya sa programa ng Kapuso network na talaga namang minahal ng maraming mga Pilipino. Siya rin ang misis ng isa ring primyadong aktor ng industriya na si Dingdong Dantes. Bukod sa maraming tagahanga ni Marian ay mayroon din siyang anim na milyong “followers” sa kaniyang Instagram account lamang.



Samantalang si Yasmine naman ay hindi madalas makita sa harap ng camera ngunit kilala ang kaniyang pangalan na Yasmine Espiritu Vargas sa ilang mga sikat na social media sites at entertainment sites. Marahil ay dahil sa kaniyang nakakasilaw na kagandahang nanais-naisin mong tingnan. Mayroon naman siyang 53.6 na “followers” sa kaniyang Instagram account.


Pareho din silang mayroong dayuhang dugo, si Marian ay may dugong Espanyol habang si Yasmine naman ay “half-Italian”. Silang dalawa ay pareho ring :half-Filipina. Ilan pa sa pagkakapareha ng dalawa ay ang madalas nilang pagbabahagi sa social media account nila ng kanilang motherhood journey na marami ding mga Pilipinong kababaihan ang tiyak na nakaka-relate. Kadalasang ibinabahagi ni Marian ang mga milestones ng anak niya na si Zia at ang mga bakasyon nilang pamilya. Sa ngayon ay ipinagbubuntis niya ang baby boy nila ni Dingdong Dantes.




Samantala, si Yasmine naman ay nagbabahagi ng mga larawan ng kanilang mga anak na babae at ngayon ay mayroon na silang bagong silang na sanggol na ilang buwang gulang pa lamang.




error: Content is protected !!