Ang pag-utot habang kasama ang pinaka-mamahal ay malaking tulong sa isang relasyon



Sa karamihan, ang pag-utot ay isang nakakahiyang bagay. Lalong-lalo na kung ikaw ay mauutot sa maraming tao. Marahil ay mapapagtawanan ka o kaya naman layuan ka ng tao. Tunay ang amoy ng utot ay mabaho. May utot ka bang naamoy na mabango? Siyempre wala! Mapapaisip ka rin minsan, dahil minsan ang utot na walang tunog ay may mabahong amoy at ang may tunog na utot ay siyang walang amoy. Kadalasan naman, kapag ikaw ay matagal ng hindi pa nakakapag-bawas, kapag na-utot ka, siguradong mabaho.


Pero natural sa isang tao ang umutot. Walang tao na hindi umuutot. Kaya ang iba ay todo ang pigil na ginagawa kung mauutot sila sa maraming tao. Talagang iniiwas nila ang sarili nila. Nakakatuwang isipin din ang mga itsura ng taong mauutot, pero may mga ibang tao na talagang sobrang nandidiri dito. Sinasabihan pa minsan ng iba na kadiri at bastos. Gayon pa man, kung nauutot ka na talaga, wala na silang magagawa. Pero alam niyo ba na ang pag-utot ng natural kapag kasama mo ang iyong asawa o kasintahan ay mahalaga sa isang relasyon? Maniwala ka man o hindi, isang malaking batayan ito sa pagpapatibay ng relasyon.



Ito ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit nakakapag-tibay ng relasyon ang pagutot habang kasama ang minamahal:

1. Nakakapag-bigay saya



Kapag na-utot ang mahal mo, nagiging dahilan ba ito ng hiwalayan? Siyempre hindi! Madalas pa nga kapag na-utot ay tawanan ang nangyayari. Nagiging dahilan pa ito ng kulitan at walang sawang nakakatuwang asaran.

2. Pagtanggap sa personalidad ng minamahal



Dahil hindi mo pinipigilan ang pag-utot kapag kasama mo ang irog mo, ito ang nagpapakita na tanggap niyo ang isa’t isa. Hindi mo kailangan magpanggap para lamang magustuhan ka.

3. Pagiging tapat sa pagmamahalan




Ang pag-utot din kapag kasama ang minamahal ay nagpapakita din ng katapatan. Ibig sabihin, wala kang sikretong itinatago sa taong mahal mo.

4. Pagiging kumportable


Kapag nautot ka ng walang pakielam kapag kasama mo ang mahal mong tao, nagpapamalas din ito ng pagiging komportable. Magpapakita din na sa taong mahal mo lamang magagawa ito.

5. Pagiging malaya




Masayang mabuhay sa mundo, kaya sa mga magkapareha na natural lang sa kanila ang pag-utot! Mabuhay kayo! Dahil pinakita niyo na walang makakapigil sa inyo dahil kayo ay malaya!




error: Content is protected !!