Isang mag-asawa ang nakakita ng isang palutang-lutang na bola sa dagat, at ng kuhanin nila ito ay talaga namang nagulat sila sa kanilang nakita!



Marami talagang mga kamangha-manghang bagay ang naghihintay lamang na madiskubre at mabatid ng marami sa atin. Sa araw-araw na lamang ay ginugulat na lamang tayo ng maraming mga balita sa telebisyon man o sa social media na talaga namang ikinagugulat nating lahat.


Halimbawa na lamang ang nangyari sa mag-asawang sina Annie at Ian Gilbert na may natuklasang isang kamang-manghang bagay na lumulutang habang sila ay nangingisda sa katubigan ng Poole, Dorset. Sila ay nakatagpo ng isang bola sa timog ng The Needles sa isla ng Wight. Isang partikular na bola lamang sa unang tingin ang bola na natagpuan ng mag-asawa, ngunit hindi nila alam na ikagugulat pala nila ang makikita nila matapos nila itong kuhanin at iahon sa tubig.




Ang bola ay nababalutan ng talaba sa kalahating bahagi nito at ang nakakamangha pa rito ay talaga namang nakapwesto ang mga talaba ng maayos. Ang paniniwala ni Annie ay sobrang tagal nang nagpalutang-lutang sa dagat ng bola kung kaya naman pinagpiyestahan ito ng mga talaba.


Gusto man nila itong kuhanin ay mas minabuti na lamang nila na ibalik ito sa katubigan upang mas makaengganyo pa ng maraming mga talaba. Malay natin baka sa susunod na may palaring makakuha nito ay balot na balot na ito ng talaba.


Tunay ngang nakakamangha at nakakatuwa ang mga ganitong uri ng bagay na ating nadidiskubre. Ngunit hindi dapat natin ipagsawalang-bahala ang hindi wastong pagtatapong ng ating mga kalat at basura lalo na sa ating mga yamang-dagat at yamang-tubig. Ito ay maging aral din sana na marapat din namang pahalagahan natin ang ating karagatan dahil sa dito rin naman tayo kumukuha ng pangunahin nating mga pangangailangan tulad na lamang ng pagkain, at hanapbuhay ng iilan.






error: Content is protected !!