Kilalanin ang maswerteng lalaki na bumihag sa puso ni R&B Queen Kyla!



Ayon sa kasabihan, “A happy wife is a happy wife, ito ay pinatotohanan ni R&B Queen Kyla. Si Kyla ay nagtataglay ng isang pambihira at kahanga-hangang boses sa industriya ng musika. Palagi niyang napasisigla ang ating mga kaluluwa sa tuwing siya ay magtatanghal na. Madalas din siya noong itinatambal sa King of R&B na si Jay-R. At ang kanilang mga awitin ang madalas na pinapatugtog sa mga istasyon ng radyo.




Ngayon, si Kyla ay kuntento at masaya na sa kaniyang buhay may-asawa. Napangasawa niya ang basketbolista na si Rich Alvarez. At noong huling panayam niya sa “Tonight With Boy Abunda” ay naibahagi niya ang kaniyang kaligayahan bilang isang ina at asawa. Biniyayaan sila ng apat na taong gulang nilang anak na lalaki na pinangalanan nilang Toby.





Ayon kay Kyla ay pinagpala siyang talaga dahil sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Dagdag pa niya, ang kaniyang asawa ay isang “Perpektong Mister”. Ayon pa sa kaniya, hindi niya lubos maisip kung ano ang nagawa niyang kabutihan sa kaniyang buhay upang siya ay magkaroon ng ganun kasayang pamilya at perperktong asawa.





Pag-amin pa ni Kyla, pinagselosan diumano ni Rich ang kaniyang katambal noon na si Jay-R ngunit dahil sa lubos ang pagsuporta nito sa kaniyang karera, hindi ito naging usapin sa kanilang relasyon. Lubos itong ikinatuwa ni Kyla dahil hindi naman ito sinasabi sa kaniya ng asawa noong sila ay magkasintahan pa lamang, bagkus ay pinapayuhan pa nga siya nito na hawakan ang kamay ni Jay-R o maging sweet dito lalo na kung sila ay kumakanta sa entablado.




Napaka-supportive talaga ng mister ni Kyla! Tiyak na maraming mga kababaihan ang nangangarap ding magkaroong ng pamilya na mayroon ang sikat na singer na si Kyla!






error: Content is protected !!