Mga komplikasyon na maidudulot ng kadalasang pagpigil ng pag-ihi



Sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay pinipigilan natin ang pag-ihi. Ilan sa mga karaniwang dahilan ay maraming ginagawa, walang malapit na lugar sa pag-ihi, nasa biyahe, at mayroon pang iba. Pero alam niyo bang mapanganib sa ating kalusugan ang pagpigil ng ihi? Kung madalas mong gawin ang pagpigil ng ihi, dapat ay itigil mo na ito! Dahil ang kadalasang pagpigil ng pag-ihi ay maaaring magdulot ng sakit. Huwag ibalewala ang paalala na ito dahil baka magsisi sa huli.


Karaniwan sa mga taong nakakaranas nito ay mahihilig uminom ng tubig. Kaya naman mas mainam kung magiging handa tayo sa lugar kung kailan tayo maiihi. Pero hindi rin talaga natin masasabi at malalaman kung kailan tayo maiihi. Kaya ang pinaka mainam ay kung ikaw ay malalayo mas mabuting paghandaan ito ng mabuti.




Isang napaka-hirap na pakiramdam ang nagpipigil ng ihi. Tila ba parang isang parusa ang mararamdaman sa pagpigil nito. Kadalasan ay nangyayari ito kapag tayo ay nasa biyahe. Dahil na rin ito sa mga klase ng likido na iniinom natin katulad na lamang ng kape na talaga namang nakakapagpa-ihi. Minsan din ay napapainom tayo ng alak. Kaya naman kapag pauwi ka na, at nakasakay sa sasakyan, saka pa lamang naiihi. Ang pinaka-solusyon sa ganitong bagay ay manatili ka muna sa lugar at antayin na ikaw ay makalabas ng ihi. Hindi naman sinasabing masama ang minsanan mong gawin ang pagpigil nito dahil hindi rin talaga maiiwasan. Pero kung makulit ka at madalas mong ginagawa ang pagpigil ng ihi, ito ang mga sakit na makukuha mo.

Urinary Retention


Dahil sa kadalasang pagpigil sa ihi, nagiging dahilan na ito upang hindi na maging maganda ang pagdaloy ng ihi sa bladder. Nagiging dahilan din ito upang hindi mailabas lahat ng ihi sa sa bladder. Nanghihina ang muscles sa pangyayaring ito at mas magiging malala kung ikaw ay tatanda.



Urinary Tract Infection



Ang sakit na ito ay nakukuha dahil sa pagpigil din ng ihi. Kinakailangan kasing mailabas kaagad ang mga dumi sa katawan upang hindi manatili at makapinsala sa katawan. Kung madalas mong pinipigilan ang pag-ihi, nananatili ang mga bakterya sa katawan na pinagmumulan ng sakit. Habang maaga ay huwag nating hayaan na masanay sa pagpipigil ng ihi. Gumawa ng paraan at paghandaan. Ang magandang kalusugan ang pinaka-mahalagang kayamanan natin sa buhay.




error: Content is protected !!