Dahil sa pagwawala ng babaeng ito sa eroplano, naligtas niya ang lahat ng pasahero sa maaaring aksidente na maganap



Ang katotohanan ay hindi natin alam kung kailan ang oras natin. Hindi natin mahuhulaan kung hanggang saang edad ang mararating natin. Pero ang mahalaga ay naging mabuti ka ba noong nabubuhay ka? Karaniwan ay sa pelikula lang natin makikita ang pagkakaroon ng mga premonition o mga biglaang pagpapakita ng mga maaaring mangyari. Madalas nating makita ito sa mga pelikula na mga nakakatakot.


May isang kaganapan ang nangyari kung saan ay isang babaeng Jamaican ay nagkaroon ng isang mala-himalang pangyayari. Ang babaeng ito ay nakasakay na sa Flight 620 sa Cayman Airways. Ang eroplano ay biyaheng Grand Cayman papuntang Kingston. Sa pangyayaring ito sinasabi ng marami na ito ay isang premonisyon at para sa mga relihiyoso ito ay isang divine intervertion. Pero kahit ano pa man, ang naganap ay naging dahilan upang maiwasan ang posibleng aksidente na magaganap.




Ayon sa mga naka-kita, nagumpisa ang pangyayari ng may isang lalaki na nagdasal ng malakas sa loob ng eroplano. At ito ay nasundan na ng pagsigaw ng babaeng Jamaican at nakuhanan ito ng video. Kung makikita sa video, ang babae ay nagtatalon habang sumisigaw ng “Jesus” at sinusundan din ng “Hallelujah”. Para sa mga nakapanood na mga Christian, ang sinabi nila ay pumasok sa kanya ang Banal Na Espiritu Santo na naging dahilan ng kanyang pagsigaw. Sa pagwawala ng babaeng jamaican, pilit siyang pinapakalma ng mga flight attendant at ilan ding mga pasahero. Ito ang naging dahilan upang matigil ang flight ng ilang oras. Dahil hindi na nakayanan ang ginagawa ng babae siya ay sapilitang inilabas sa eroplano.


Woman Screams 'Jesus' As Plane About To Take-Off; What Happens Is Shocking!

Woman Screams 'Jesus' As Plane About To Take-Off; What Happens Is Shocking!

Posted by Christian Today on Friday, January 18, 2019

Pero laking gulat ng kapitan na mayroon pa lang problema sa makina ng eroplano noong pa-take off na sila sa runway. Pagtapos makipag usap sa mga ground crew, napag-alaman na may usok at mga kuryenteng kumikislap sa makina ng eroplano. Ito na rin ang naging dahilan upang lumapag na. Kung hindi dahil sa ginawa ng babaeng Jamaican, marahil ay nagkaroon na ng Plain Crash.




error: Content is protected !!