Isang 70-taong gulang na lalaki ang mayroong isang higanteng kaibigan na palagian niyang kinukumusta sa ilalim ng dagat sa loob ng 25 taon!



Si Hiroyuki Arakawaan ay isang 70-taong gulang na scuba diver mula sa Japan, isang tagapangasiwa sa Torii isa sa mga Shinto religion shrine na matatagpuan sa ilalim ng Tateyama Bay sa Japan. Siya ay nagpapatunog ng kampanilya sa nakalipas na 25 taon, at sa tuwing gagawin niya ito ay agad na lalangoy at lalapit sa kaniya ang kaniyang kaibigan na isang higanteng sheepshead wrasse.



Ibinahagi ni Hiroyuki na kaibigan niya ang nasabing malaking isda na pinangalanan niyang Yoriko, isang Asian sheepshead wrasse. Makalipas ang ilang taon ng pagsagip ng lalaki sa isda ay palagian na niya itong ginagawa upang dalawin ang higanteng isda sa katubigan sa loob ng 25 taon.


Ayon pa kay Hiroyuki, nagsimula ang lahat ng nailigtas niya ang isda sa kamatayan. Malapit na noong mamatay ang isda na ito ngunit iniligtas pa rin niya ito at inaalagaan. Pinapakain niya ito ng 5 alimasag sa isang araw sa loob ng sampung araw hanggang sa siya ay muling lumakas.


Hindi nga maipagkakaila kung bakit naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Marahil ay naalala siya ng higanteng isda na siyang nagligtas ng buhay nito at nagpakain sa kaniya noong siya ay hinang-hina at walang lakas kung kaya naman sa tuwing tatawagin siya nito ay agad siyang pumupunta at sila ay nagkukumustahan. Hindi rin mawawala ang pagtanggal niya kaniyang dive mask at regulator sa tuwing bibigyan niya ng halik ang malaking kaibigan. Hindi rin naman siya binibigo nito at talaga namang gustong-gusto rin ang paghalik na ginagawa ng kaibigang tao.



Pag-amin pa ni Hiroyuki, 18-taong gulang pa lamang siya ay naglalangoy na siya kung kaya naman hindi na kataka-takang maging malapit siya sa hayop na ito bukod na rin sa ginawa nitong pagliligtas sa kaniya. Talaga nga namang mayroong koneksyon ang sheepshead wrasse na ito at ang kaniyang kaibigan na si Hiroyuki.




error: Content is protected !!