Mala-manikang itsura ng isang batang babae, ang angking ganda ay dahil din sa kanyang mga Deep Blue Eyes



Totoong ang kagandahan ay hindi nasasalamin sa panlabas na anyo ng isang tao. Pero paano naman kapag sobrang ganda talaga? Hindi ka pa ba mabibighani? Karaniwan sa mga nagugustuhan natin sa itsura ng isang tao ay ang mga mata. Minsan din ay may karagdagan sa isang tao ang may magandang kulay ng mata. Karaniwan sa may mga magagandang kulay ng mata ay mga foreigners. Ang mga taglay kasi na kulay ng mata ng ibang foreigners ay asul. Bukod pa sa mga taglay na magagandang mata, may mga angking kagandahan din sila dahil sa kanilang kutis at tangkad.


Isang babae ang tila ba parang itsurang manika dahil sa kagandahan ng kanyang mata. Siya ay si Anastasia Kynazeva na ngayon ay sikat na sikat ngayon sa social media. Ang batang ito ay isang Rusian child model na naging kilala dahil sa President Kid Management. Dahil sa pagiging modelo, nakikita na rin siya sa mga advertisements at magazines.




Dahil sa kagandahang taglay, siya ay binansagan na most beautiful kid in the world. Tunay na karapat-dapat ang titulo na ito dahil sa pagkakaroon ng mga magagandang mata at magandang itsura. Baka nga pag nakita mo ang batang ito aakalain mong isa itong barbie doll. Kung pagmamasdan ang kanyang itsura, mapapansin din na matangos ang kanyang ilong, may buhok na parang isang prinsesa, at mga labing magaganda. Pero ang pinaka maganda sa kanya ay ang kanyang mga matang kulay asul na kapag tinignan mo ay para kang nahuhulog sa kanya.


Dahil sa pagsikat niya sa social media, marami na rin sa kanyang sumusubaybay. Sa kanyang Instagram account ay mayroon siyang 500,000 followers at nakakapag-model na sa mga ilang kumpanya. Biruin niyo, anim na taong gulang pa lamang si Anastasia at marami na ang nagagandahan sa kanya. Paano pa kaya kung lumaki at maging dalaga na siya. Sigurado ay maganda rin siya.





error: Content is protected !!