Sa kabila ng kayamanan at kakisigan, bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa ring nobya ang prinsipe ng Brunei?



Maraming mga kababaihan lalo na ang mga kabataang babae ang nangangarap na magkaroon ng sarili nilang mga “Prince Charming” katulad na lamang sa mga fairytales na madalas nilang nababasa at napapanuod. Ngunit bakit nga kaya sa kabila ng kakisigan, kagwapuhan, at kayamanan ay nananatili pa ring walang nobya ang prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen.


Ang prinsipe ay hinahangaan ng nakararami dahil sa angkin nitong kakisigan at kahanga-hangang talento. Siya ay ang pangsampung anak ng hari ng Brunei na si King Haji Hassanal Bolkia mula sa ika-sampu nitong asawa na si Puan Hjh Maryam. Siya ang ika-anim sa linya na papalit sa kanyang ama bilang Sultan ng Brunei. Halos nasa 20 bilyon ang namana niya sa kaniyang ama. Mayroon din siyang sariling eroplano. Hilig din niya ang maglaro kasama ang kaniyang mga kabayo, mag-alaga ng mga hayop at mamalagi sa dagat.




Ang alam ng nakararami ay maliit na bansa lamang ang Brunei, ngunit ito din naman ang isa sa pinakamayayamang bansa sa mundo. Kung mas malaki man sa bansang ito ang Shanghai ng China, talaga namang ikamamangha mo na napakayayaman ng mga tao sa Brunei kung kaya naman mas lalo pang yumayaman ang kanilang hari na ama ni Mateen.



Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari lang naman ng 7,000 mga mamahaling sasakyan, 604 na Rolls Royce, 574 Brunswick, 452 na Ferrari, 382 Bentley, 209 BMW, 179 Jaguar, 134 Nisek, 21 Lamborghini, 11 Aston Martin, 1 SSC Silbe.


Sa kabila ng kakisigan at karangyaan ng prinsipe ng Brunei ay nanatili pa rin itong walang nobya o kasintahan. Kahit pa araw-araw ay dumadagsa ang mga kababaihan na nagpapahayag ng paghanga sa kanilang prinsipe patuloy pa ring nag-iingat ang prinsipe sa pagpili ng babaeng kaniyan mamahalin. Nais din ng prinsipe na ang babaeng kaniyang mapangasawa ay isang simple at totoong tao, na siyang makakasama ng prinsipe sa buong buhay nito.





error: Content is protected !!