Ito ang magandang Three Storey Townhouse ni Carla Abellana sa Quezon City



Isa sa mga sikat na Kapusong artista ay si Carla Abellana. Ang tunay na pangalan niya ay Carla Angeline Reyes Abellana. Ang sikat na aktres na ito ay isa ding modelo at marami ng naging mga komersyal. Sa taglay kasing kagandahan at maamong mukha, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kanya?


Kailan lamang ay ipinakita niya ang kanyang napundar na Townhouse sa Quezon City. Ito ay mayroong tatlong palapag at apat na kwarto. Ang ilan ay magtataka kung bakit maraming kwarto. Ito ay dahil kasama niya ang kanyang pamilya sa townhouse na ito. Kasama niyang naninirahan ang kanyang ina na si Rea, ang ate na si Erica, kanyang pamangkin na si Ava, at si Karl ang lalaki niyang kapatid.



Ating silipin ang loob ng bahay ni Carla:

Sala



Ang kanyang nanay Rea ang naghanap ng interior designer ng kanilang bahay. Magaganda ang pagkaka-ayos ng mga ilaw na nagpapamalas ng pagka-elegante at modernong estilo. Ang mga dingding ay may kulay off-white at hinaluan ng kulay dark brown upang magbigay contrast.

Dining Area



Sa tabi lamang ng sala ay makikita na ang lugar kainan nila. Ang magandang disenyo ng kulay brown sa dingding ay nagpakita ng pagka-moderno ng disenyo. Samahan pa ng magandang dining table at upuan na may kulay ding dark brown.

Kusina




Masayang magluto kung maganda ang kusina. Nakaka-ayang tignan ang kusina dahil malinis ito. Mapapansin din na mayroong kwadradong disenyo na may kulay orange, brown, at off-white. Ang mga kabinet ay kulay puti na talagang bumagay sa kulay ng lugar.

Ang kwarto ni Erica


May mga disenyong pambata sa kwartong ito dahil kasama ni Erica ang kanyang anak na si Ava. Sinadya ito upang matutukan ni Erica ang kanyang anak.

Ang kwarto ni Carla




Binanggit ni Carla na ang itsura ng kwarto ay sa mga sarili niyang kagustuhan. Ang pader sa kwarto ay kulay asul. Magaganda din ang mga disenyong nakapaligid katulad ng lamp shade. Mapapansin na may tatlong litrato sa may taas ng dingding ng kama.

Ang kwarto ni Rea


Ito ang pinaka-malaking kwarto sa townhouse. Pinalibutan ito ng kulay berde dahil ayon sa kanya nakaka-ginahawa sa paningin ang kulay na ito.




error: Content is protected !!