Sila ang ilan sa mga sikat na artista dati na naghihirap na sa buhay ng iwanan nila ang showbiz



Ang buhay talaga ay matalinhaga. Hindi natin alam kung saan papunta ang agos ng tubig. Minsan akala mo ay nasa tamang landas ka na, pero papunta ka pala sa mas mahirap na parte ng buhay. Marami sa atin ang nangarap na maging artista. Dahil sa pagkaka-alam na sigurado na ang magiging kinabukasan. Pero bakit mayroong mga dating artista na naghihirap na ngayon? Marahil naging mali lamang siguro ang mga naging desisyon nila sa paghawak ng pagkakataon. Kaya naman kilalanin natin ang ilan sa mga sikat na artista noon na nahihirapan na ang buhay ngayon.

BB Gandanghari




Ang hinangaan dati natin na sikat na artista na si Rustom Padilla ay nagbago na bilang si BB Gandanghari. Siya ay pinanganak noong Setyembre 4, 1967 at kapatid din ni Robin Padilla. Noong hindi pa siya nagbabago, hinahangaan siya ng maraming kababaihan. Pero noong taong 2009 marami ang nagulat sa totoong pagkatao niya at ipinahayag niya na siya na ngayon si BB Gandanghari. Dahil sa pangarap na maging isang artista sa Hollywood, siya ay napuntang Amerika. Ngunit sa higpit ng kumpetensya marahil ang pangarap ay mahirap maabot. Ayon sa kapatid, isang Uber Driver daw ngayon si BB Gandanghari.

Deborah Sun



Si Jean Louise Porcuna Salvador o mas kilala sa pangalan na Deborah Sun ay isa ding sikat na aktres dati. Ito ang ilan sa mga pelikula na kinasikatan niya: “Pasan ko ang daigdig” at “Temptation Island”. Naging alam sa marami ang pangyayari kung saan ay nasangkot siya sa droga, nakulong dahil sa tumalbog na cheke, at kinasuhan din ng estafa. Ngayon ay nasa rehabilitation center siya upang magkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay.

Mystica



Dahil sa kagalingan sumayaw tinagurian siyang “Split Queen”. Si Ruby Rose Mauanay Villanueva na kilala sa pangalan na Mystica ay isa ring magaling na aktres dati. Ilan sa kanyang pelikula ay “D’Uragons”. Hindi maitatanggi na maganda ang naging buhay niya dati noong kasikatan niya. Pero ang kayamanan o naipong pera niya ay unti-unting naubos. Ang masakit pa ay nilalayuan na siya ng pamilya dahil wala na siya ngayon.






error: Content is protected !!