Silipin ang magarbong “walk-in closet” ni Jinkee Pacquiao!



Si Jinkee Pacquiao o kilala rin bilang si Jinkee Capeña Pacquiao ay 40-taong gulang na asawa ng ating “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao. Siya rin ang dating bise-gobernador ng Sarangani. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang napakaganda niyang “walk-in closet”. Ang “walk-in closet” niyang ito ay mas malaki pa sa normal na kwarto na maaari ding magkape o kaya naman ay umidlip sandali.


Sa loob nito ay mayroong napakaraming bag, mga sapatos, mga damit, mga alahas. “collectibles”,at iba pang mga gamit na pinapangarap ng mga kababaihan. Ngunit tiyak na nanaisin mo ding malaman kung magkano ang kaniyang “closet” mismo.




Ayon sa “Real Living” ang kaniyang closet lang mismo ay nagkakahalaga na ng P338 milyong piso sa paggawa nito. Mayrron din itong “built-in cabinets” na talaga namang kailangan sa pagtatabi ng mga mamahaling koleksyon niya. Nasa gitnang bahagi naman ng kaniyang “closet” ang kaniyang mga mamahaling alahas at iba pang mga mamahaling kagamitan upang mas madaling makuha.


Mawawala ba naman ang “vanity corner” sa kaniyang “walk-in closet”? Ang lugar kung saan siya nag-aayos at nagpapaganda. Mayroon ding “sitting area” sa loob nito. Mayroon din siya ritong sarili niyang upuan at “Hermes” na unan. Mayroon din naman siyang bar para sa mga pagkain o inumin ng mga bisita habang sila ay nagkukwentuhan o nagkukumustahan.



Mayroon ding malaking telebisyon dito upang makapanuod siya ng mga paborito niyang pelikula o palabas. Aakalain mo bang ganito kagarbo ang “walk-in closet” ng misis ni Manny Pacquiao? Tiyak na maraming mga kababaihan ang nangangarap ding magkaroon ng ganito kagandang “walk-in closet”.


Marahil ay sa pagiging matiyaga at masipag natin, tulad na lamang ng pamilya Pacquiao, makakamit din natin ang ating mga pangarap sa buhay. Sa tamang panahon, pananalig at pagkapit sa Diyos lahat ng bagay ay tiyak na magiging posible. Malay mo pagdating ng tamang panahon, pangarap mo ay makakamtan din!





error: Content is protected !!