8-taong gulang na bata ang madalas na nakikita sa gilid ng kalsada sa daan ng flyover na nag-aaral, umani ng maraming papuri at paghanga sa mga netizen!



Edukasyon ay isa sa mga mahalaga at mga pinakaimportanteng bagay sa buhay ng isang tao, lalo na sa ating mga Pilipino. Karamihan sa atin, edukasyon ang nagiging solusyon o unang hakbang upang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay.


Kamakailan lamang ay nagviral ang batang ito dahil sa siya ay nakuhanan ng larawan na nag-aaral ng kaniyang mga aralin o leksyon sa gilid ng kalsada sa daan ng flyover. Kung kaya naman maraming mga tao ang naantig sa kaniyang pagpapagal sa pag-aaral. Siya ay nakilala bilang si Qu Sinian, siya ang mag-aaral na gumagawa ng kaniyang mga takdang-aralin sa sa may flyover na malapit sa kanilang tahanan.



Ayon pa sa batang ito, mas nanaisin na niyang magtungo sa lugar na ito upang makapag-aral ng leksyon kaysa sa kanila mismong tahanan na walang ilaw kung kaya naman tiyak na mahihirapan siyang gawin ang kaniyang mga aralin. Marami din naman ang nag-aalala at nagtatanong kung hindi ba siya naaabala sa mga maiingay na sasakyang dumadaan dito? Ang agad lang niyang sinabi ay sanay naman na siya sa maingay na lugar kung kaya hindi na ito hadlang o problema sa para sa kaniya.


Apat na oras ang kaniyang ginugugol sa lugar na ito upang matapos niya ang kaniyang mga takdang-aralin at kahit papano ay makapagbasa-basa na rin ng leksyon. Ang pamilya ni Qu ay naninirahan sa 8-metro kwadrado lamang na maliit na bahay. Ayon sa ina ng paslit, walong taon na ang nakalilipas nang sila ay magsimulang maghirap dahil sa nagkaroon ng aksidente ang kaniyang ama at naging paralisado ito.




Nang siya ay tinanong ng kaniyang guro kung ano ang nais niyang maging propesyon paglaki niya, agad niyang sinabi na nais niyang maging doktor upang kumita ng sapat na pera at magamot ang kaniyang mga magulang. Kung anong regalo naman ang nanaisin niyang matanggap sa bagong taon, tanging “desk lamp” lamang nais niyang matanggap upang makapag-aral siya ng leksyon kahit pa hindi siya magtungo sa gilid ng kalsada at flyover.





error: Content is protected !!