Ang lalaki sa likod ng matagumpay na “Shoe Mart”, kilalanin si Henry Sy!



Sino ba naman ang hindi magiging pamilyar sa mga katagang, “Here at Sm, We’ve got it all for you!”. Tunay ngang one-stop shop ang mall na ito. Lahat ng kailangan mo’y tiyak na iyong matatagpuan dito. Ang negosyong ito ay bunga ng matinding pagsusumikap at pagtitiyaga. Kung malalaman mo lamang ang kwento ng buhay ng lalaki sa likod ng matatayog at malalawak na mall na ito, tiyak na masasabi mong “rags to riches” nga ito!


Si Henry Sy, Sr, nang dahil sa kaniyang determinasyon, disiplina, at pagtitipid ay nakapagtayo siya at nakapagpalaganap ng napakarami at napakalalaking shopping centers sa ating panahon ngayon. Bagamat nadismaya siya sa takbo ng ating ekonomiya noon, hindi siya nagpatinag at hindi siya tumigil mangarap na balang-araw ay magiging matagumpay din ang pinundar niyang negosyo.


Sa edad na 12 pa lamang ng sila ay nagtungo dito sa Pilipinas kasama ang kaniyang ama. Kung noon ang akala niya ay mayaman ang kaniyang ama, siya pala ay nagkamali dahil sa isang maliit na sari-sari store pa lamang pala ang negosyo ng kaniyang ama. At ito ay sa kalye ng Quiapo, Maynila na kinailangan niyang tumulong sa kaniyang ama ng 12 oras araw-araw.


Bagamat hindi siya nagkakaroon ng sapat na oras upang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan, tinututukan naman niya ang pagpapalago ng kanilang kita. At sa tulong nga ng mga sachet o pake-paketeng produkto ay unti-unting dumami ang kanilang kita. Sa kasamaang-palad, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nilimas at sinunog ang kanilang munting tindahan. Para lamang makaraos ay pinagsumikapan niya ang pagbili at pagbebenta ng mga produkto habang ang kaniyang ama ay bumalik sa Tsina upang maghanap ng panibagong pagkakakitaan.


Ngunit aakalain mo bang natamaan pala siya noon ng ligaw na bala o bomba habang nagtitinda, kundi dahil sa kaniyang kaibigan na isinugod siya sa ospital gamit ang isang kariton ay maaaring may nangyari nang masama sa kaniya. Ang kaibigan niyang ito ang naging business partner niya. At noong siya ay 40-taong gulang na ay nagtayo na sila ng isang “shoe store” na hindi nagtagal ay naging tatlo na kaagad. Siya ang tao sa likod ng kauna-unahang air-conditioned na shoe store na nagtitinda ng magagandang kalidad na sapatos at ito ay tinawag niyang SM o Shoe Mart!






error: Content is protected !!