Mala-kristal at napakalinaw na tubig-baha sa bansang Japan!



Ang baha na dulot ng matinding bagyo ay isa sa pinakakilalang kalaban ng maraming pamilyang Pilipino. Hindi na iba sa ating ang makapanuod, makapakinig, o makasaksi ng balita patungkol sa maraming mga tahanan na inanod at tuluyang sinisira ng matindi at rumaragasang tubig, at mapaminsalang bagyo! Sa loob lamang ng ilang oras o ilang araw ay talaga namang nilalamon na ng maruming tubig-baha ang dati nating maayos na kapaligiran.


Dahil sa nasanay na tayo sa ganitong mga tanawin, talaga namang marami ang nagulat at nabigla sa malinis at malinaw na tubig-baha na ito sa bansang Japan. Ang mga larawang ito ng isang Subway na punong-puno ng tubig ay baha pala! Ngunit aakalain mong isang pool lamang sa napakalinaw na tubig! Hindi na nakapagtataka na naging usap-usapan ito sa social media. Ang mga nasabing larawan ay kuha sa subway ng Hamamatsu, isang siyudad sa Japan. Ang pangalan ng bagyong nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar na ito ay pinangalanang bagyong Etau.




Kung totoo nga talaga ang mga larawan na ito, ngunit ang katotohanan ay ang bansang Japan ay mayroong mga malilinis na “subterranean areas” kung saan ang baha ay talaga namang napakalinis! Maraming mga netizen ang nagkomento patungkol dito, ang ilan ay nagsasabing mala-swimming pool ang tubig-baha na ito. Ayon naman sa ilang netizen, napaka-disiplinado kasi talaga ng mga mamamayan ng Japan. Bagamat ang ilan ay nag-aakalang in-edit o phinotoshop lamang ang nasabing mga larawan, sadyang napakahusay at tila isang “wizard” na lamang ang makakagawa nito.



Ayon pa sa isang netizen, malaki ang pagkakaiba ng Japan sa Pilipinas kung heograpiya ang pag-uusapan. Dahil ang nga Isla ay tiyak na mayroong mas kakauting mga lupa o putik kaysa sa mga lugar na malapit sa bundok o burol.





error: Content is protected !!