Isang 92 years old ang mag-isang namumuhay sa bundok! Sa katandaan, ginagawa na niya ang kanyang magiging libingan!



Nasasabing maikli na ang buhay ng tao ngayon dahil sa klase ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Kung dati ay normal lang ang maabot ang edad na 80 taon, nagyon ay masasabing maswerte ka na kapag narating ito.


Kaya naman sobrang konsiderasyon ang binibigay natin sa mga senior citizens. Ang mga matatanda ay wala ng kakayahan na magtrabaho kaya naman nangangailangan sila ng pag-aaruga mula sa kanyang pamilya. Pero anong nangyari sa isang matandang babae na tila ba pinabayaan ng kanyang pamilya. Naturingan na may limang anak pero mag-isang namumuhay sa isang bundok.





Mag-isa niyang ginagawa ang lahat, pangongolekta ng mga pang-gatong upang panluto ng pagkain. Ang malala pa ay hindi na maayos ang kanyang tirahan. Sira-sira na ito at mahirap ng tirahan. Kung sakaling may bagyo o malakas na hangin ang dumating, huwag naman sana, maaring masira ito ng tuluyan. Nakaka-awa man pero ito ang totoong nangyari sa kanya. Isang journalist ang naka-tagpo sa kanya at nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya upang ma-interview. Nang tinanong niya kung para saan ang mga kahoy na kinolekta. Ito ang sinabi niya.


“I am an old woman.i am already 92 years old. Right now, I am making my own coffin. I collect the logs from the woods at the mountain.”


Sa pagpapatuloy ng interview, nasabi ng matanda na mayroon siyang limang anak. Tatlong lalaki at dalawang babae, pero walang gustong sumama sa kanya. Ang panganay niya ay nagtatrabaho sa isang minahan ng uling, ang pangalawa naman ay sumama sa kanyang asawa at nanirahan sa biyenan, wala naman siyang alam kung nasaan ang pangatlong anak na lalaki, ang dalawang babae naman ay sumama na sa kanilang mga asawa. Ang mga edad na ng mga anak ay nasa 50’s hanggang 60’s.


Nagpapaalam sana ang journalist kung pwedeng masilip ang bahay, pero noong una ay ayaw pumayag ng matanda, pero pumayag pa rin ng may paalala ng pag-iingat. Buti na lang ay may mga mabuting tao na nagbigay ng tulong sa kanya. Binigyan siya ng pera.




Nakakalungkot isipin na kayang pabayaan ng isang anak ang kanyang ina. Sana ay maging maayos ang lahat para kay lola. Para naman kung sakaling dumating ang araw niya, maging masaya siya. Ito ay kung sakaling makapiling niya ang kanyang mga anak.




error: Content is protected !!