Isang babaeng pulis ang napaguusapan ngayon dahil sa angking kagandahan



Sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan, madalas na kinakatakutan ay ang mahuli ng mga pulis dahil sa violation na magagawa. Minsan pa nga, may nga pulis na nanghuhuli at gumagawa ng mga dahilan upang makapanlamang at maka-huthot ng pera. Kaya naman minsan ay wala ng magawa at nagbibigay na lang kaysa sa maabala.


Karaniwan sa mga imahe ng mga pulis ngayon ay talaga namang nakakatakot ang itsura. Ang iba pa nga ay matataba. Pero gayon pa man, marami paring mga pulis na marangal at kagalang-galang. Kahit na may iba na inaabuso ang kanilang kapangyarihan, marami pa ring mga pulis na tapat sa kanilang trabaho. Bihira lang sa mga babae ang nagpu-pulis. Ang propesyon kasi na ito ay nangangailangan ng lakas ng pangangatawan upang sugpuin ang mga masasama.




Pero may isang lumilikha ngayon ng ingay sa social media. Ito ay isang magandang pulis na talagang mabibighani ka sa kanyang itsura. Siya ay si Zhong Xinjuan na isang 32 na taong gulang na isang pulis sa Taiwan. Siya ay naka destino sa Yuya branch sa Kaohsiung City Police Department. Isang lalaki ang nahuli sa taiwan dahil sa isang civic violation. Imbis na mainis ay natuwa ito dahil nahuli siya ng isang magandang pulis na si Zhong.



Ang mga litrato ni Zhong ay kumalat sa social media na umani ng maraming magagandang komento at paghanga sa naturang babaeng pulis. Si Zhong ay isang graduate sa Taiwan Police College at pinanganak sa Kaohsiung City kung saan siya nag papatrol. Ilan pa sa mga gampanin ni Zhong ay patungkol sa mga kaso sa mga pagmamalupit sa mga bata at mga babaeng asawa.


Sabi ng post sa bulletin ng departamento nila, ay isa si Zhong sa malaking parte ng ka-pulisan nila. Ginawa din siyang modelo sa kanilang annual callendar. Ito ang magpapatunay na walang maganda o pangit sa isang propesyon. Ang mahalaga ay gusto mo ang iyong trabaho.





error: Content is protected !!