Ito ang ilan sa mga larawan ng lumubog na Titanic



Kung babanggitin ang barkong titanic, malamang ay maiisip kaagad natin ang pangalang Jack at Rose. Ito kasi ang naging sikat na pelikula noong taong 1997. Ang pelikulang ito ay pinagbidahan nila Leonardo DiCaprio at Kate Winslet. Umiikot ang palabas sa kwento ng pagmamahalan nilang dalawa na mula sa magkaibang mundo. Ang kwento ng pagmamahalan ng isang mahirap at isang mayaman.



Pero bukod sa kwentong ito, ipinakita ng palabas kung ano ang pangyayari kung bakit lumubog ang malaking barko. Dahil sa palabas na ito, muling naalala ng mga tao ang pinaka-matinding trahedya na naganap sa buong mundo na naging dahilan pagka-sawi ng maraming taong naka-sakay doon. Ang palabas din na ito ay ikinapulutan din ng maraming aral patungkol sa buhay.

Kaya naman muli natin tignan ang ilan sa mga litrato ng sikat na sikat na barkong Titanic.


1. Ang titanic ay isang British Steamship na lumubog noong April 15, 1912 pagkatapos bumangga sa isang iceberg. Naglalaman ito ng 2,240 na tao.


2. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan ng pag-sawi ng higit sa 1,500 na pasahero at crew. Dahil sa naging trahedya, ito ang nagbigay inspirasyon sa napakaraming libro, artikulo, at pelikula.


3. Ang kwento ng titanic ang magsisilbing paalala sa mga tao sa pagiging handa sa biglaang trahedya.




4. Sa buong tiwala na hindi lulubog ito, naglalaman lamang ito ng 20 na lifeboats na maaring maglaman lamang ng 64 na tao.


5. Sa laki ng titanic na may haba na 269 meters at bigat na 52,310 tons, gumugol ito ng dalawang oras at 45 na minuto upang tuluyang lumubog sa dagat.


6. Naalala niyo pa ba sa pelikulang Titanic ang grupo ng musikero? Totoong ginawa nila ito upang makapag-bigay lakas ng loob sa mga taong nagkakagulo. Marahil ibinigay na nila ang lahat para sa kanilang huling pagtatanghal.


7. Dahil sa tiwalang hindi lulubog ang barkong Titanic, nasabing magkakaroon pa dapat ng lifeboat drill ngunit hindi na pinahintulutan ng kapitan ng barko.



8. Kung maalala din sa pelikulang Titanic, karaniwan sa mga isinasakay sa lifeboat ay ang mga babae at bata.


9. Naging huling hantungan din ito para sa mga ilan na bagong kasal. Nasabing mayroong 13 na bagong kasal ang nakasakay sa Titanic.


10. Ang pangyayaring naganap ay nagiwan ng maraming aral para sa lahat ng tao sa mundo. Hindi lahat ng akala ay tama, mas maganda kung palaging ma-ingat at handa upang makaiwas sa mga katulad nitong trahedya.




error: Content is protected !!