Litrato sa Yearbook ng isang Estudyante, ikina-bilib at umani ng magagandang komento mula sa mga netizens



Hindi biro ang maging magulang. Dahil kinakailangan nilang tugunan ang pangangailangan ng kanilang anak. Marami sa mga magulang ay nagsasakripisyo upang maibigay lamang ang magandang kinabukasan para sa kanilang anak. Tunay na isang biyaya ang pagkakaroon ng pamilya. Dahil hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng ganitong pagkakataon. Ang magkaroon din ng anak ay isang karangalan maituturing. Kaya para sa mga magulang, gagawin nila ang lahat upang maging maayos at maganda ang pag-laki ng anak.


Pero lahat kaya ng mga anak ay alam ito? Alam kaya nila ang dinadanas na hirap ng mga magulang? May ilan sa mga kabataan ngayon ay madalas magreklamo sa kanilang buhay. Kung maka-asta ay akala mo sila ang pagod na pagod. Nakaka-lungkot din isipin na may ilan din sa mga kabataan ngayon ay maluho. Minsan pa ay dinadaya ang magulang upang magkaroon lamang ng pera. Pero hindi lahat ng kabataan ay ganito. Isang estudyante ang napag-uusapan ngayon dahil sa ipinakita niya sa kanyang litrato sa kanilang Yearbook. Ipinakita niya sa lahat ang kanyang lubos na pasasalamat sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng mensahe sa isinulat niya sa isang white board.




Siya si Darlyn Descartin. Isa siyang senior high school student sa Jose Rizal University sa Mandaluyong City, Metro Manila. Ang post ni Darlyn ay nag-viral dahil naglagay siya ng dedication para sa kanyang mga magulang sa kanyang yearbook photo.


Ito ang nakalagay na mensahe sa White Board:
“Hindi ko masabing nakakapagod mag-aral kasi alam kong mas pagod yung nagpapaaral sa akin. #ThankYouMama&Papa”


Ang naturang post ay umani ng pagpupugay at magagandang komento. Sabi pa nga ng ilan ay sana ganito lahat ng kabataan ngayon. Nag-komento din ang kanyang ama sa kanyang post.

At ito ang sinabi:
“Congratulations Anak,” Ver Destura Descartin commented on Darlyn’s post. “Love na love ka ni papa Ver.”


Kay sarap marinig o makita sa mga anak ang pagmamalaki at parangal sa magulang. Lalo itong makakapag-bigay sa kanila ng lakas upang gampanan ang kanilang obligasyon sa buhay. Ito ay ang maparamdam ang tunay na pagmamahal bilang isang magulang.




error: Content is protected !!