Marami ang naantig sa iniwang sulat ng babaeng ito sa isang sikat na fast food chain kung saan ito na raw marahil ang huling kain niya dito!



Marami sa atin ang nakasanayan nang kumain sa mga fast food chain kasama ng pamilya lalo na kung may mga selebrasyon o kaya naman ay mag-isang tikman ang paboritong putahe dito. Ngunit kamakailan lamang ay may kumalat na social media post patungkol sa isang service crew ng isang pamosong fast food chain na kilalang-kilala dito sa Pilipinas.


Ang fast food crew na nagbahagi ng nasabing liham ay nakilala bilang si Mark Noguera. Ayon sa kaniya, mayroong isang babae na nasa 20 taong gulang ang edad o higit pa ang kumain sa Jollibee Signal Village sa Taguig na nag-iwan ng nakakaantig na sulat sa isang tissue paper.




Ayon sa sulat, ito na ang huling pagkain niya sa nasabing establisyemento dahil sa pinagbawalan na siyang kumain ng mga pagkaing hindi masustansiya. Ayon pa sa kaniya, siya ay nasa stage 2 na. Dalangin niya ang mabilis niyang paggaling dahil sa tiyak na mamimiss niya ang mga pagkain sa restawran na iyon. Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa paborito niyang kainan.


Marami ang naantig at hindi napagilang malungkot sa nilalaman ng sulat na iniwan ng babae. Pinagdarasal ni Mark at ng lahat ng kaniyang mga katrabaho ang mabilisang paggaling ng kanilang customer. At pangako pa nitong, ililibre niya ang babae kapag ito ay gumaling na. Humingi rin siya ng maraming panalangin para sa kaniya. Ang nasabing post ni Mark ay umabot na ng 16,000 na shares at 1,000 mahigit na mga komento at dumarami pa.



Isang bagay na hindi mo aakalain kung ikatutuwa mo dahil ito ay hindi madalas mangyari sa bawat isa sa atin ngunit talaga namang nakakamangha rin at nakakalungkot kung iyong sisiyasating mabuti.




error: Content is protected !!